Prologue

1.1K 56 25
                                    

His Kind of Love

Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ngayon. Lalaki pero may crush sa best friend niyang lalaki, ano ang gagawin mo?

Sino ba naman ang hindi magkakacrush sa kay Gerald kung maliban sa gwapo na ay sweet at caring pa?

Sabay kaming lumaki ni Gerald kaya bawat galaw, kilos, attitude, hobby kahit buong katawan namin ay kabisado na namin. Sabay kaming hubot hubad na naliligo sa ilog kapag nagbabakasyon kami sa lola niya. Kung bakit ko nasabing caring siya? Pinupiktusan ako nun kapag may mataas akong kuko dahil daw baka makain ko yung dumi na nasa kuko ko, kaya kukuha agad yan ng nail cutter tas siya yung puputol sa kuko ko. Sa likod payan pupwesto kasi baka daw masugatan ako kung sa harap niya gagawin iyon.
Lagi din niya din akong titulungan kapag may nangaaway sakin. Sasabihin niya lagi sa kanila na 'kalabanin na muna siya bago nila ako saktan"
Dahil may pagka clumsy ako lagi akong natatapilok kaya kapag uwian na samin ay hindi na ako mamakapaglakad ng matulin. Kung mapapansin niya iyon ay piggy i-ba-back ride niya ako kahit na ayaw ko dahil nakakahiya.

Dahil din sa lagi akong natutulog sa klase lalo na sa hapon ay pinapatulog niya ako sa lunch time sa rooftop. Alam niyo kung ano ang unan ko? Ang malambot lang naman niyang legs tas lalaruin niya ang buhok ko para madali lang akong makatulog. Alam niyo kung anong kapalit ng lahat ng iyon? Isang oras na masahi sa likod niya minsan sa ulo, minsan sa buong katawan. Iwan ko ba kung bakit yan gustong gusto magpamasahe eh masakit naman ang mga iyon. Pero sabi niya ang klase daw ng pagmamasahe ko ay magaan lang kaya siguro na adik.

Kung sino ang mapera samin ay ako iyon dahil nag abroad ang nanay ko, My lolo has a growing company pero pinili ni mama na hindi maging involve kay Lolo since he was the reason why mom is so broken. Ako lang ang binubuhay ni mama dahil ako lang ang anak niya. Hindi ko alam kung patay o buhay pa ang tatay ko. Ako lang magisa sa aming bahay kaya paminsan minsan ay dito sa amin natutulog si Gerald. Tabi kami kasi kahit na malalaki ang katawan non ay takot yun magisa kasi lamp kasi dapat ang magsisilbing ilaw. Ang katabing room ay ang room ni mama  ayaw kong ipagamit dahil para kay mama lang yun. May guess room naman kami ngunit dahil nga takot si Gerald ng multo ay sa kwarto parin siya natutulog. I don't know  if he's genuinely scared alone in the guest room kaya I have no choice but to let him sleep on my not so big bedroom. Since then lagi na kaming tabi kapag samin siya matutulog.

Kapag maglaalaro kami ng star wars ako si Obe wan habang siya naman si Anekin Skywalker. Kapag doon na kami sa scene na magaaway si anekin at Obe wan kenobi ay magrarumble kami hindi narin maiwasan na mafeel ko ang ano niya sa ano ko. Kahit na nasasaktan sa pag locked niya sa leeg ko mula sa likod ay pinipigilan kong hindi umaray para ma feel ko ng mahabang oras ang ano niya. Kaya yon ang paborito kong laro eh.

Isama nadin natin yung "date" namin kapag magbibirthday kami. Well hindi naman talaga iyon date ako lang ang nag bigay kahulugan dun. Noon bata pa kami ay manunuod lang kami ng sine, maglalaro sa park o di kayay kakain kami sa isang restaurant. Ngayon na nasa "malapit na" legal age na siya pwede na kaming bumiyahe sa ibat ibang destination places dito sa Pilipinas. Charot lang. Dun lang kami sa malapit. Nagsasave kami araw-araw para may pang-gastos kami kapag birthday na namin 10 per day including the Saturdays and Sundays. May ang birthday niya sakin naman November. Lakas namin makainrelationship goals no? Pero wag ka. Ako yung kawawa kong bibigyan ko yan ng malisya. Pero ang hirap na hindi maging assuming.

Kasi naman noong nagkadengue ako. Todo bantay siya sakin halos di na nga pumapasok sa skwelahan e. Parang siya pa yong nagtayong personal nurse ko. At noong kakamulat ko pa lang ng mata kakatapos niya lang din humalik sa noo ko. Alam kong friendly gestures lang lahat ng mga iyon pero diko mapigilang di magisip na mahal niya ako the way na mahal ko siya.

Hanggang sa nasanay ako at binigyan kahulugan ang lahat. Hanggang sa hindi kona mapigilan ang lahat ng nararamdaman ko sa kanya kaya balak ko na sanang sabihin sa kanya.
Kapag may pagkakataon.

Pero syempre gaya ng inaasahan. Di niya gusto ang pag-amin ko.

Good thing I have the power of mind manipulation magic. Yeap may powers ako diko nga lang gamitin pa.

•••Drientz•••

His Kind Of Love (BxB)Where stories live. Discover now