"Yohan, ilista ko na lang ang order mo. Maupo muna kayo," lahad ng manager sabay muwestra sa pangdalawahang lamesa.

I was about to say no for Tita Ana. I don't think she'd want to stay with me or what pero nagulat ako nang tumango siya.

"Umupo muna tayo, hija," anito.

I dropped my orders and quickly paid. Naupo na si Tita Ana at nahihiya naman akong lumapit sa lamesa. Inaayos pa ang order ko at naghihintay na lang.

"Nasabi na ni Alvaro na bibisita ka mamaya." She's watching me intently.

"Opo."

She nodded. "Hindi na tayo nagkaroon ng pagkakataong mag-usap, hija. Kahit noong ibinalita ang kabutihang ginawa mo. Inimbita ko naman si Amanda sa bahay ng ilang beses pero mukhang masyado kayong abala para pumunta."

Napakurap-kurap ako. Hindi ko alam iyon. But knowing Tita Amanda, she's not that bad but she's a snob. She still has prejudices over status. Ngayon lang naman siya medyo umayos pagkatapos makilala ng husto si Romulo kaya... siguro hindi niya na rin nabanggit sa akin.

"Hindi ko po alam... s-siguro, hindi na nasabi ni Tita."

"Siguro nga pero kung diniretso ko ba sa'yo, bibisita ka ba?"

Nabitin sa ere ang sagot ko dahil ayaw kong magsinungaling. Sa totoo lang, hindi.

She smiled wearily. "Naiintindihan ko."

I nodded.

"Alam mo, hija. Sa totoo lang, nagsisisi ako sa mga nasabi ko sa'yo sa araw na iyon."

Natigilan ako at hindi na nagsalita dahil gustong marinig ang kabuuan. I have my own points but also, it's better to hear it, too.

"Ilang taon ko rin kasing kinimkim ang galit ko kay Enrique. Sa ngayon, alam mo na naman siguro ang ginawa niya sa amin ng Tito mo."

I nodded then.

I recalled how shocked I was when I knew about it. Magkasosyo si Daddy at si Tito Carmelo kaya kami malapit noon sa mga Santander. Tito's land is beside ours. At nakumbinsi siya ni Daddy na sumugal sa negosyong tubuhan. At noong lumago na, niloko siya ni Daddy at sinabing nalulugi kaya kailangan niyang bayaran ang mga lugi ni Daddy.

Tito Carmelo  didn't know what to do. Hanggang sa nabalitaan niya na lang na kukunin na ng bangko ang lupain dahil sa utang na tinukoy ni Daddy. Kalaunan, tinubos iyon ni Daddy kaya nang nagkausap sila at hindi binawi ni Daddy ang ginawa, inatake si Tito at doon na nagsimula ang lahat.

Daddy didn't lose or spend a dime. He really fooled the Santanders.

"Noong pumunta po kasi ako, hindi ko pa alam na ganoon ang ginawa ni Daddy sa inyo."

"Naisip ko rin naman iyon pero siguro sa kinimkim na galit, hindi ko na nagamit ng husto ang isipan ko. Tuwing nakikita kita noon, naaalala ko ang nagawa ni Enrique sa aming pamilya."

My eyes heated. I nodded. I understood but I sometimes really couldn't connect everything. My father who I loved so much is an evil man.

"Matayog ang mga pangarap ng magkapatid. At dahil hindi makapagtrabaho ang Tito mo at ni walang pera na nakuha galing sa ginawa ni Enrique, napilitan ang mga batang magtrabaho kasama ko sa mga Alcazar. Pangarap ni Gen na mag abogasya, si Gilbert naman mamarko. Mahirap at madilim ang buhay na iyon noon kaya naman matindi ang galit ko sa mga Valiente, hija. Sa'yo..."

"I understand. Kahit naman po ako, nagalit sa nagawa ni Daddy sa inyo."

"Tuwing naririnig ko sa mga kaibigan ni Alvaro na humahanga ka raw sa kanya, lagi ko siyang pinagsasabihan na huwag maging malapit sa'yo dahil insulto iyon para sa amin."

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Where stories live. Discover now