Chapter 30: Poison

881 36 1
                                    

Poison

~~~~

Rizden POV

"I will marry you Creed Vaughn."

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang sakal sakal ko si Creed at may hawak akong Patalim.

"Creed...." Tawag ko at nabitawan siya at ang patalim.

"Rizden..." Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang pisngi niya at niyakap siya.

Anong nangyare? Bakit may hawak akong patalim? Bakit sakal sakal ko ang lalaking mahal ko?

"I'm... I'm sorry..." Sabi ko at humagulgol ng iyak sa kayang mga bisig. Ramdam ko ang pag yakap niya sa akin at hinalikan ang leeg ko.

"Wala Kang kasalanan."maamo niyang sabi. Umiling ako at kumalas sa yakap saka tinignan siya.

"Hindi ko alam kung bakit may hawak akong patalim at kung bakit sakal sakal kita Creed I'm sorry." Umiiyak kong sabi.

"Shhh."sabi niya at pinunasan ang luha ko.

"Na hypnotized ka ni Steve."sabi niya kaya napa tigil ako ng maalalang kinagat ako ni Steve.

Napa hawak ako sa leeg ko kung saan ako kinagat ni Steve. Masakit parin ang parteng iyon.

"Kinagat niya ako."sabi ko kay Creed at tumingin sa mga mata niya.

"Creed wala na tayong oras umalis na tayo."sabi ni Clementine na naka tayo sa gilid namin.

Tumingi ako sa kanya saka nilibot ang paningin ko.

Nakita ko kung paano pag tulungan nila Von,Van,Leana at Fin si Steve.

Sabay kaming tumayo ni Creed pero parang nang hihina siya kaya inalalayan ko siya.

"Fin, tara na."tawag ni Clementine sa asawa niya.

Lumingon si Fin sa gawi namin saka malakas na sinipa ang duguang si Steve.

"Tara na." Tawag ni Fin sa mga kapatid niya saka nag lakad palapit sa amin. Inalalayan ni Von at Van si Creed dahil hindi ko siya kaya mag isa.

Akmang mag lalakad na kami palayo kay Steve ng mag salita ito.

"At sa tingin niyo ba hahayaan kong maging masaya kayo?"tanong ni Steve dahilan para mapa lingon ako. Kitang kita ko ang ngisi sa kanyang labi.

May hawak siyang baril at naka tutok iyon sa akin.

"Rizden..... Wala kang kwenta."iiling iling niyang sabi habang kinakapos siya ng kanyang hininga.

"As if namang makakasama mo ang Vaughn na yan habang buhay."natatawang sabi niya at handa ng kalabitin ang gantsilyo ng baril ng mula sa likod ko ay may lumabas na malaking asong lobo at tumalon papunta sa gawi ni Steve saka ito kinagat sa kanyang tyan at pinaikot ikot sa ere habang kagat kagat ito.

Maya maya pa ay ng mag sawa ang asong lobo sa kanyang ginagawa ay inihagis niya ang wala ng buhay na katawan ni Steve sa ere, tumilapon ito sa puno at halos mahati ang katawan niya sa dalawa dahil sa ginawa ng asong lobo.

Tumigil ang asong lobo at tumingin sa akin.
Isang malakas na alulong ang pinakawalan niya dahilan para mapaupo ako. Tumigil ito sa harap ko at dinilaan ang mukha ko.

"Creed!" Dinig kong sigaw ni Fin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung paano mag iba ng anyo ang malaking asong lobo. Creed.

"Creed..."tawag ko. Kitang kita ko ang pang hihina sa kanyang mukha.
Ngumiti lang ito sa akin at kinuha ang isang kamay ko saka iyon hinalikan.

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon