Chapter 12: Mall

946 32 0
                                    

Mall

~~~

Creed POV

Naka ngiti ako'ng nag lalakad ngayun sa mall habang kasama si Rizden. Pinag titinginan kami ng mga tao at bampira'ng madadaanan namin.

Nakakatuwa lang kasi kasama ko si Rizden wala lang masaya lang ako na kasama siya.

"Sir--"

"Wala ka na sa trabaho mo." Putol ko.

"Ughm... Creed bakit po ba tayo nandito?" Tanong niya.

"Bibili tayo ng damit mo." Sagot ko at tinignan sya. Masyado syang malayo sa akin. Napa irap ako.

"Rizden lumapit ka nga dito." Sabi ko. Naka yuko siyang lumapit sa akin, ngumiti ako. Hinigit ko pa siya palapit sa akin saka sya inakbayan.

"Yan, baka mawala ka mahirap na." Sabi ko at nag patuloy kami sa pag lalakad habang naka akbay ako sa kanya.

Tumigil kami sa harap ng isang bilihan ng damit.

"Sir este Creed, mukhang mamahalin dito, wala akong dalang pera baka--"

"Sinabi ko bang ikaw ang gagastos?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin, at dahil nga malapit siya sa akin ay muntik niya na akong mahalikan. Damn! Her lips!

"Ililibre nyo po ako?" Parang wala lang sa kanya na malapit ako sa kanya at malapit niya na akong mahalikan. Sobrang lapit lang namin at kapag tinulak siya palapit sa akin ay mahahalikan ko na sya.

"Yes." Sabi ko. Unti unting nanlaki ang mga mata niya at ngumiti.

"Talaga? Weh? Baka prank lang yan ha nako Creed kilala na kita." Sabi niya at natatawang tumingin sa mga damitan.

Napa ngiti ako.

She's so cute.

"Pag sinabi ko, sinabi ko." Sabi ko kaya hinila ko sya papasok sa loob ng bilihan.

"Omayghad, nandito si Mayor." Biglang nag kagulo ang mga trabahador na babae sa loob ng boutique.

"Omayghad! Pa picture po."

"Ang gwapo niyo po talaga."

Napatingin ako kay Rizden na naka simangot at nasa isang tabi.

"Sorry girls but I'm with my girl." Sabi ko dahilan para mapa tingin sa akin si Rizden.

"I mean may kasama ako." Bawi ko at lumapit kay Rizden saka inakbayan.

"We're here para bumili ng damit niya." Sabi ko at tumingin kay Rizden.

"May nagustuhan ka na?" Tanong ko.

"Wala. Tara na." Sagot niya at hinila ako palabas ng boutique.

Nang nasa labas na kami ay hinila ko siya palapit sa akin dahilan para muntik ko na syang mahalikan ulit.

"Bakit? Ang gaganda naman ng damit don ha." Sabi ko. Umirap sya.

"Yung mga damit? O yung mga babae?" Tanong niya dahilan para kumunot ang nuo ko.

"Yung mga damit ang magaganda Rizden? Wait may problema ba?" Tanong ko.

"Wala. Gusto mo bumalik don?" Tanong niya.

"Oo naman? Para makabili na tayo ng damit mo." Sabi ko.

"Oh eh di bumalik ka, dami dami mong learn gusto mo lang na pagka guluhan ka ng mga babaeng higad na kung maka kapit sayo daig pa ang tuko." Mataray niyang sabi kaya natawa ako.

Para siyang nag seselos na ewan.

"You sound like a Jealous girlfriend." Sabi ko dahilan para matigilan sya. Napa tingin sya sa akin at agad na umiwas ng tingin.

Napangiti ako.

"Nag seselos ka ba?" Tanong ko.

"Hindi ah, ba't ako mag seselos?" Utal niyang tanong at medyo lumayo sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila sya ng mas malapit sa akin. Napa tingin siya sa mga mata ko dahilan para umiwas ako ng tingin.

"Don't look at my eyes, baka ma-hypno ka." Sabi ko at tumayo ng maayus saka huminga ng malalim.

"T-tara na nga balik na tayo don." Sabi niya at hinawakan ako sa kamay ko saka ako hinila lalunta doon sa boutique na pinasukan namin pero hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

Tumingin sya sa akin.

"Tara na." Sabi niya.
Hinila ko sya papunta sa ibang dereksyon.

"Ayoko don, panget ang mga design ng damit." Sabi ko nalang at sumulyap sa kanya. Naka ngiti sya kaya napa ngiti ako.

Bakit sobrang bilis ng tibok ng puso ko?

Tumigil kami sa isang boutique.

"Tara." Sabi ko at hinila sya papasok doon.

Buti naman at walang masyadong babae dito, medyo matandang babae ang nag babantay dito. Mga nasa 30s na siya.

"Oh Mayor, welcome to Barbara's Boutique." Naka ngiti niyang sabi. Ngumiti ako.

Tumingin ako kay Rizden na nililibot ang tingin sa loob.

"Hoy." Tawag ko. Tumingin sya sa akin.

"Mamili ka na." Sabi ko at tumingin sa nag babantay.

"Paki assist naman po siya. Wala kasi yang taste sa fashion." Pang aasar ko kay Rizden. Inirapan niya lang ako dahilan para matawa ako.

"Iha, halika dito may ipapasuot ako." Naka ngiting sabi nong bantay saka hinila papasok sa loob ng isang kwarto si Rizden. umupo muna ako dito sa sofa saka napa ngiti ng maalala ko kung paano mag selos si Rizden kanina.

Ang cute niya promise.

Ilang minuto pa ang lumipas ng bumukas ang pinto kung saan pumasok si Rizden kasama yung bantay.

Unang lumabas yung bantay at naka ngiting tumingin sa akin.

"She's so Beautiful Mr. Mayor." Sabi niya at tumingin doon sa pinto.

Napa tayo ako ng dahan dahang lumabas doon si Rizden at halos mapa mura ako ng makita ko siyang naka suot ng Grey Silver with beads crystals Dress, Tulle thigh.

Napa tayo ako ng dahan dahang lumabas doon si Rizden at halos mapa mura ako ng makita ko siyang naka suot ng Grey Silver with beads crystals Dress, Tulle thigh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang.... Ganda niya tangina.

Baka umamin ako sa kanya ng maaga putek. Para syang dyosa.

Ngumiti siya sa akin na nakapag padagdag kagandahan niya.

Shit!

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

Painted Destiny (Creed Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon