CHAPTER 35🌿✨ -Sorry Na, Pwede Ba?

Start from the beginning
                                    

Nanatiling nakakunot lang ang noo ko habang nakagtingin sa kanya.

Nakakainis akala ko naman... haaay nakakainis talaga.

Napansin niya siguro na hindi ako umiimik kaya tumigil na siya sa pagtawa at humarap sa akin.

"Kanina lang ang saya mo. Ayaw mo bang makita ako? Nakakasama naman ng loob Ge." sumimangot pa siya. "Ah, hulaan ko, hindi ako ang ineexpect mo 'no? Oh ano edi umasa ka? May pagrole play ka pa ah." sabi pa ni Marionn.

Lalong kumunot ang noo ko.

Nakakatuwa yon?

"Tse! Tigilan mo nga ako, lalo mong sinisira ang araw ko alam mo ba yun?" inirapan ko siya.

"Sa gwapo kong 'to, Ge, pag itong itsura ang nakita mo sa umaga, yun ang tunay na tinatawag na Good Morning."

"Ang hangin! Bakit ka ba kasi nandito?"

"Eto naman ang sungit ikaw na nga ang binibisita." ibinigay nito sa akin yung bulaklak na nalaglag sa sahig.

Umupo na ito nang maayos sa katapat kong sofa "So kamusta naman ang buhay natin Madam Angge? Asensado na ah? Bida ka nanaman sa balita kanina." natatawang sabi nito.

Inirapan ko muli siya, minsan talaga nakakabwisit din to si Marionn, mas mabuti pa noong nanliligaw pa siya sa akin, mabait siya. Ganoon ba talaga ang mga lalaki matapos manligaw? Syempre hindi ganoon ang Erik ko.

At syempre ano pa nga ba, lumabas na yung balita tungkol sa concert ni Erik kagabi. Mula sa paghaharana niya hanggang sa eksena namin kasama si Keia, lahat naisama. Walang nakaligtas.

Ang buhay nga talaga. Parang ketchup, ang daming nakikisawsaw.

"Oh eh ano masaya ka naman? Masaya ka sa pagkabest actress ko ha? Magaling na ba ako?" naiiritang asik ko.

"Hmmmn hindi naman pero wow atleast hindi ka na duwag. Hindi ka na nagwawalk out. Ang lakas maka The Legal Wife ng eksena mo. Pero sino sa inyo ang kabit? Pareho kayo?"

Natawa na lang ako at napailing.

"Alam mo epal ka talaga. Pumunta ka ba talaga dito para inisin ako ha? Kasi kung ganon, sige na mawalang galang na umuwi ka na muna."

"Uhm hindi naman, kasama yun sa pakay ko pero actually pumunta ako dito para i-congratulate ka." nakangiting sabi niya.

"Ha? Icongratulate saan?" may award ba ako o bagong concert?

Kinurot niya ako sa pisngi bago sumagot,

"Huwag ka na magdeny, Mommy. So paano ba yan, ninong ako ha?"

Teka, anong sabi niya?

Kumunot ang noo ko at kinabahan, "Paano mo---"

Hindi pa man ako tapos, he just shrugged bago nagpatuloy.

"Si Erik mismo, siya ang nagsabi sa akin."

Dahil sa sinabi niya ay lalo akong nagulat at nagtaka.

Ha? Di nga?

"Weh, totoo ba? Nag usap kayo ni Erik?"

"*nodded* Uhm yes Ma'am?"

"At paano naman nangyari yon ha? Pinagloloko mo ba ako?"

Si Erik? Kakausapin si Marionn? Nang hindi sila nagkakabasagan ng mukha? Imposible.

"Noong pangalawang araw na naospital ka. Nalaman ko kasi yun kay Nanay Bianca kasi hinanap kita kaya hindi na siya nakatanggi. Handa na nga akong sapakin siya nun sa ospital e buti na lang nakita kong maayos ka na."

Secrets Beyond the StarsWhere stories live. Discover now