Chapter 47 - Break

601 20 4
                                    

Keith's Pov:

Eto ang pinakakaasam nang lahat ang ang sembreak hihihi. Napagusapan na doon kami magbabakasyon sa Palawan may private resort doon sila sean. Napakayaman nila hahaha! Himala at pinayagan kami nang parents namin kahit may kasamang boys hihihi.

"Gosh super excited na akong magbeach guys grabe." - Steph

"Same here ang tagal na rin nung last beach natin sa batangas yun diba alex?" - Ayumi

"Last year I guess hahaha." - Alex

"Did you bring swimsuits girls?"

Ako nagdala syempre sanay kaming mag two piece kasi beach lover kami.

"Yes naman hahaha. Sampu ang dala ko incase na gusto ko magswimming everyday hahaha." - Steph

Bigla namang natigilan sila ayumi at alex mukhang nalungkot?

"Hey, bakit ganyan mukha niyo?"

"Hindi kami pwedeng magswimsuit like you girls hindi kami pinayagan nang boyfriend namin." - Ayumi

"Sean is possessive ayaw niyang nageexpose ako nang too much skin." - Alex

Sa totoo lang kinikilig ako sakanila kasi ganun yung boyfriend nila somehow nakakainggit kasi mahal na mahal sila nang boyfriend nila. Samantalang ako? Eto umaasa parin shet!

"Hahaha! Yan napapala nang mga may jowa buti pa kami ni keith walang nagbabawal." - Steph

"Well okay lang naman basta mahal kami nang mahal namin steph haha." - Ayumi

Halatang inaasar naman kami nila ayumi. Hardcore amp!

"Oyy! Hardcore ka ayumi ha! Tse!" - Steph

"Hahaha! Makipagbati kana kasi kay gian." - Alex

"Ayaw ko. Hindi nga ako sinusuyo mapride siya hindi na nga ako sumama kay tim nung nakaraan baka sakali pansinin niya na ako e hindi parin kaya bahala na siya break na kami." - Steph

"Break? Kayo ba? Hahaha!" - Alex

"Hoy?! Tsk! Edi uncrush tse!" - Steph

Nagtawanan kami nila alex nakanguso kasi si steph parang pato.

"In case na kailangan niyo nang swimsuit huwag mahiyang manghiram sakin hahaha." - Steph

"Hindi namin kakailanganin niyan may mga maxi dress kami, shorts and tops okay na to for beach." - Alex

"Boring girls haha. Basta andito lang ako if you need some. Mauna na ako sa baba." - Steph

"Bilis mo naman steph excited kaba makita si gian hahaha."

"Tigilan mo ako keith ha! Tataluhin kita kay angelo makikita mo." - Steph

"Pabuhat mo na yang luggage mo kay gian mukhang mabigat." - Ayumi

Magsasalita na sana muli si steph nang may kumatok binuksan naman ito ni alex. Si angelo pala bigla nanamang naging abnormal ang heartbeat ko.

"Why angelo?" - Ayumi

"Andiyan na sa baba yung van at driver we need to hurry mahaba pa ang biyahe natin." - Angelo

"Ay andiyan na si kuya greg? Sige sige patawag naman kila nich at sean please papabuhat kami nang bagahe namin medyo mabigat kasi hehehe." - Alex

"Okay sure. Ikaw keith you need someone who will carry your bag?" - Angelo

Nahihiya ako hindi ko naman siya boyfriend para gawin yun. Magsasalita pa sana ako nang biglang may sumingit.

Teen Clash! Boys Vs GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon