Prologue

4.4K 167 53
                                    

Nagmamadali akong pumasok sa loob ng hospital habang inaayos ang suot kong doctor's gown. Pinagpagan ko ang sarili ko at ginawang pony tail ang nakalugay kong buhok na abot hanggang balikat.

Maraming bumabati sa akin pero hindi ko na sila nababati pabalik dahil mabilis pa rin ang lakad ko papuntang board room.

Sandali akong huminto sa harap ng elevator, paulit-ulit na tinitingnan ang relo at cellphone ko sa pag-asang aabot pa ako sa meeting.

Papa will kill me kapag nagsimula na ang presentation ng juniors ko at wala pa ako.

Nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang tunog ng elevator. Ilang segundo kong inalis ang tingin dito para ilagay sa pocket ng coat ko ang cellphone ko nang bumukas ito at linuwa nito si Ynna, ang fraternal twin ko.

Nakasuot siya ng doctor's gown gaya ko at may ID na nakasabit sa left pocket nito sa bandang itaas. Nakapaloob naman sa gown ang suot niyang black fitted dress na hanggang  tuhod. Nakalugay ang buhok niyang hanggang baba ng balikat na may kaunting kulot pa sa dulo nito.

Pinasadahan ko siya ng tingin at bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansing mabigat ang paghinga niya na para bang galing siya sa isang racing. Naka heels pa talaga ang gaga kaya tansya ko'y medyo masakit na ang paa niya.

"Ayen!" Sigaw niya nang natataranta.

Hinila niya ako sa loob at pinindot ulit ang floor kung nasaan ang board room.

"Hoy! Ayos ka lang?! Anong nangyari?! Galit na ba si Papa?!" Sunod-sunod kong tanong. Bakas sa mukha ko ang naghalong kaba at pag-aalala sa kung ano man ang isasagot niya.

"Yes. Papa's not mad, slight lang," She heaved a sigh, trying to calm herself down from talking fast. "But that's not the problem here! We have an emergency!"

"Emergency what?!"

Mas lalo akong kinabahan dahil ang tagal pa bago huminto ng elevator sa board room. Fuck this hospital. Bakit ba kasi hanggang 20th floor pa ang taas nito?!

"Listen, sis!" Ynna approached me by holding my hand. "You have to brace yourself."

"Your ex is here."

Para akong nabingi nang biglang tumunog ang elevator. Napaayos ako ng tayo at iniisip kung tama ba ang narinig ko nang may pumasok sa loob at kinalabit ako.

"Dra. Salinas, aren't you going out?"

Ynna automatically held my hand tighter when she noticed I was trembling, not because I was afraid but because I was mad. I'm fucking furious with this jerk.

"Ayen, tara na." Hinila ako ni Ynna palabas pero winakli ko siya at matalim na tinitigan si Kai.

The door was about to close kaya kaagad itong pinindot ni Ynna para bumukas ulit. Nanatili siya sa gilid habang patuloy ang pagtitig ko kay Kai.

He is wearing a navy blue button down polo and a black slacks. Bahagya akong nagulat nang mapansin ang suot niyang doctor's gown habang nakasilid pa sa magkabilaang pocket ang kamay niya.

"H-He works here starting now--" I cut off my sister's words by pushing Kai to the side.

A bitter smile plastered my lips as I walked past him, giving him all the space in the elevator.

"Nice to see you again, user," I muttered.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- :)

AN: @oreolattea thanks for the book cover, po! Love lots <3

Date Started: 05/03/20

Date Ended: 05/29/20

At the Rooftop (Medical Series #1)Where stories live. Discover now