Chapter 11: Cleeon, Jhenselle and Alois

25 4 0
                                    

CHAPTER 11: Cleeon, Jhenselle and Alois

Chloe's POV

Bwisit na Sebastian to. Hindi tuloy ako nakatulog ng maayos. Nakakainis paano ko tuloy itatago itong eyebag ko. Kung hindi lang sya nagnakaw ng halik sa aking noo kagabi di sana ako magkakaganito. Ang kapal ng mukha nya. Ni hindi ko nga sya boyfriend tapos tapos... Ugh! Nakakabwisit talaga sya.

Nagkandaletche-letche na tuloy ang buhay ko. Di na ata talaga matutuloy ang pagmamadre ko. Malungkot na napabuntomg hininga ako.

"Oh ate. Anong nangyari sayo? Parang isang taon lang di natulog ah? Mukha kang nalugi na ewan dyan." Gulat na bungad ni Cherrie sa akin nung pumasok sya sa kwarto para icheck ako.

Inirapan ko sya. Ang OA naman kasi. "Kulang lang sa tulog mga pinagsasabi neto." Padalang na sagot ko.

"Wehh? Anong nangyari nga? Bakit kulang ka sa tulog." Pangungulit nya pa sa akin.

"Nakakabwisit kasi yang si Sebastian. Hinalikan ako--" naputol ang sasabihin ko nang biglang sumabat si Cherrie. "Hinalikan ka na ni kuya Sebastian?OMG Ayieeeehh!" Parang bulateng kinikiliti na sambit nya

Sinamaan ko sya ng tingin. "Ayiee ka dyan? Sino matutuwa na halikan ka? I lost my purity kaya!" Maktol ko

Napamake face naman sya. "Maka 'I lost my purity' ka naman te, saan ka ba hinalikan?" Tanong nya.

"Sa noo ko! Bwisit kaya. Di ko alam kung makakapagmadre pa ako kung di navirgin noo ko." Iritang sagot ko.

Biglang natawa ng malakas si Cherrie sa narinig nya. "Tae ka ate! Sa noo ka lang pala hinalikan kala mo naman sa lips? Anong di na virgin noo mo. Baliw ka na ate. Kiss sa noo means I respect you. Ang OA mo naman eh." Paliwanang nya sa akin.

Kiss of respect? Ugh kahit na halik pa din yun.

"Kahit na. Hinalikan nya pa din ako ng walang paalam!" Reklamo ko.

"Don't worry ate sasabihin ko kay kuya Sebastian paalam muna sya bago kiss." Asar nya sa akin sabay wink.

Hahagisan ko na sana sya ng unan pero mabilis itong tumakbo palabas ng kwarto ko. "Hinayupak ka talaga!!!" Sigaw ko

"Bye ate bilisan mo na dyan. Naghihintay na si kuya Cleeon." Huling salita nya hanggang tuluyan na makalayo na ito sa akin.

+*+*+*++*+**+*+*+*+*+*+

Tapos na ako magayos. Nilagay ko na din sa paper bag ang gift ko kay kuya Cleeon. Syempre tagal na din namin di nagkita. Di ko man lang mabilhan ng regalo every birthdays na nagdaan sa kanya.

Nagreready na kami ni Cherrie para sa lakad namin ngayon. Makikipagkita kasi kami kay Kuya Cleeon. Nang biglang pumunta si Sebastian sa kwarto ko. At nagpupumilit na sumama sya sa amin. Which is hindi ko hahayaang mangyari. Nalaman kasi nya na aalis kami para makipagkita kay Kuya Cleeon ngayon. At parang lintang di maalis itong si Sebastian. Ayaw papigil.

"I want to go with you, My lady. Isn't it good to meet your brother too? I only met your father and Cherrie yet tho. I believe I should meet him to formally introduce myself to him as your fiancè too." Pangungulit nya sa akin. Parang si Cherrie sa sobrang kulit itong lalaking ito.

I frowned ang gave him a weird look.

"Ano gusto mo sumama??You're not even invited!"tanggi ko.

"But still....I wanna go see him." Pumilit nya pa.

"A.yo.ko!." Madiing tanggi ko.

Nagbago ang timpla ng mukha nya nang makitang nagmamatigas pa rin ako. He gave me a serious look.

Sebastian's PossessionWhere stories live. Discover now