Chapter 9:The Gays heart is stolen

32 4 2
                                    

CHAPTER 9:The Gays heart is stolen.

Hanyoung's POV

Ngayon ang araw kung saan magkikita uli kami ni Chloe. Para tuluyang mapagusapan yung plano namin para di matuloy ang kasal nila ni Sebastian. Napag usapan naming magkita sa isang Coffee shop na malapit sa manor na tinutuluyan nya. Mahirap na bestfriend ni Karin si Chloe kapag may nangyaring masama dito tiyak lagot ako sa kanya. She might hate me for not taking care of her bestfriend.

Chloe seems a nice girl too. And we're friends now too. May pagka pranka at sadista nga lang sya minsan. Pero I can see how nice she is as a person. Kahit eto man lang matulungan ko sya. Alam ko mali ako for asking her to help me para tigilan na ako ni Claujia.

Ayoko kasing saktan ang puso ng kapatid ni Clint. She's so young and pure. Tho minsan out of this world yung mga sinasabi nya. She don't deserve to get hurt. And I don't deserve to fall in love with her nor with anyone again. Mahirap. I'm still in love with Karin.

I sighed.

"Bakit ata ang lalim ng iniisip mo at napapabuntong hininga ka na dyan..." Bungad sakin ni Chloe.

Napailing-iling na lang ako at saka ngumiti sa kanya. "Nandito kana pala, Chloe. Wala may naisip lang na malungkot na pangyayari."

Umupo sya sa upuan sa harapan ko. Inorder ko na sya nang gustong nyang dessert at refreshment para pagdating nya diretso na kami sa plano namin.

"You can't move on? Bakit di mo subukan si Jia. Malay mo naman sya na pala yung forever mo tapos tinataboy mo lang. Always remember Karin is already married. At she'll be sad kapag nalaman nya na eto ka pa din nalulugmok ng dahil sa kanya." Advice nya sa akin.

Sana nga ganun kadali. Pero ayokong gumamit ng tao para makamove on. Jia she is too good for me.

"I know that, Chloe. Pero di ko ata kayang gamitin si Claujia para lang makamove on." Sagot ko sa kanya sabay inom sa ice americano na inorder ko.

Chloe flicks my forehead. "Idiot! Sino ba may sabing gamitin mo sya diba. Ang ibig sabihin ko huwag mo naman isara yang puso mo nang dahil sa na broken hearted ka. Hindi lang si Karin ang babae sa mundo, Hanyoung." Saad nya sa akin. As a matter of fact.

"I--hindi ko alam. Its just that. Claujia is too good for me. And I don't think she deserves someone like me." Malungkot na sambit ko.

Hindi ko alam kung magiging ready pa ba ko pumasok sa isang relasyon.
Sobrang bigat sa pakiramdam na para bang hindi ako makahinga.

Napasimangot naman si Chloe sa sinabi ko. "Nako Hanyoung. Kung palagi kang ganyan talagang di ka liligaya. Know your worth, dude! Kung ganyan ka magmahal kay Karin. Kaya mo rin higitan yan sa babaeng talagang nakatanda sayo. Kaya you deserve better for yourself too. Hindi porket nabigo ka ng ilang beses eh. Susuko kana. Di ka makakasurvive sa world kung ganyan ka magisip. Man up, okay?"

My eyes widened in shock. Yung words nya talagang isang malaking sampal sa akin. Can I really fall in love again? Makakaya ko ba? I shook my head and chuckles. Were supposed to talk about our plans pero here we are talking about how brokenhearted I am.

"Thanks, Chloe. I hope I can do that. I wish I am as strong as you." I smiled meekly.

"Of course you can. Tiwala lang okay?? Wag ka ngang lalamya lamya dyan para ka namang di lalaki eh." Pabirong sabi nya sakin.

Nahiya ako ng bahagya kung alam lang nya na dati akong naging pusong babae. Would she still be my friend? She must be harsh in words pero all of it has a huge impact in our heart and mind. Talagang matatauhan ka sa mga sinasabi nyang words of wisdom.

Sebastian's PossessionWhere stories live. Discover now