CHAPTER 9: START OF FRIENDSHIP

147 36 28
                                    

Marami pa ring katanungan sa isip ni Hiraya ngunit naniniwala siyang isa-isa niya itong masasagot kung ipagpapatuloy niya ang misyon sa era na ito. 

***

Kinabukasan, maaga siyang pumasok sa klase. Inihatid siya ni Mela sa gate ng paaralan bago ito pumasok sa trabaho. Siya naman ay dumiretsong maglakad patungo sa classroom para umupo roon at hintayin na dumating ang kanyang target. Ngunit habang naglalakad siya sa hallway, napanganga at natigilan siya nang maabutan ito sa pinto. Huminto rin ang batang lalaki at napalingon sa kanya. Nagkatinginan sila nang ilang segundo.

"H-Hi!" awkward at wala sa sarili niyang bati. Ngising aso na tinaas pa niya ang kanang kamay.

Walang tugon si Kenjie at pumasok lang ito sa loob ng kwarto. Parang tinuring lang siyang hangin na dumaan.

Napasimangot siya nang malaki. "Mukhang mahirap itong pinaplano ko. Suplado ang isang ito!"

Sumunod na lamang siya na pumasok na rin sa loob ng classroom at umupo sa sariling silya. Kaunti pa lamang ang mga bata sa loob at hindi pa dumarating ang guro.

"Good morning, Aya!" bati ni Mayumi na biglang yumakap sa likod niya.

Naiilang na lumingon at ngumiti siya rito. "G-Good morning din."

"May assignment ka na?"

"Assignment?" ulit niya. "May assignment ba tayo?"

Tumawa si Oscar na katabi ni Mayumi. "Sabi ko na, hindi ka rin gagawa ng assignment! Oh ito, kopyahin mo na."  Inabot nito ang tatlong notebook sa asignaturang Science, Math at Filipino.

"Ah...." Hindi niya alam kung anong isasagot. Minabuti na lamang niyang kunin ang mga kuwaderno at kopyahin ang sinasabi nilang assignment. "Thanks, but why you're so willing to lend me your work, Oscar?"

"Papakopyahin ka talaga n'yan ni Oscar. Crush ka niyan e----hmmm!" Impit na napatili si Mayumi nang biglang takpan ni Oscar ang bibig niya. Parang gusto na ring sakalin ng lalaki ang matabang babae.

"H-Huwag kang makinig sa sinasabi ni Mayumi! Basta kumopya ka lang, Aya!" 

Pabalang na tinanggal ni Mayumi ang mga palad ni Oscar sa bibig at inis na binalingan ang binatilyo. "Hindi ako makahinga!"

"Tabatsoy ka kasi!"

"Anong kinalaman n'yon?"

Nagsimula na namang magtalo ang dalawa. Ilang saglit na nakatingin lamang si Hiraya sa dalawang kabataan bago natuon ang pansin niya kay Kenjie na tahimik lamang. Nakayuko ito sa desk at may sariling mundo habang mag-isang sumasagot sa notebook. Hindi rin ito nakagawa ng takdang-aralin.

Bumaling siya sa lalaki at may ngiting nagtanong, "B-Baka gusto mo na kumopya na lang sa 'kin."

Lumingon ito at tinitigan lang siya. 

"Ano..." Nailang at naging mailap ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung anong susunod na sasabihin. Damn! I'm not good in socializing.

"Salamat pero huwag na lang." Sa unang pagkakataon, nagsalita si Kenjie. Ito ang unang beses na narinig niya ang boses ng batang lalaki. "Baka mahuli tayo at mapagalitan ka pa."

Oh! He actually cares. Akala niya ay aawayin o susungitan siya nito ngunit mukhang mature at maayos makipag-usap si Kenjie. "Don't worry about that. Hindi naman mapapansin ni Ma'am Dalisay kasi babaguhin natin nang kaunti. Hindi naman natin kokopyahin lahat." 

Wala itong sinabi kaya minabuti na niyang buksan ang notebook ni Oscar at ipatong sa gitna ng desk para pareho nilang makita ang mga sagot. "Here."

Nang makita ni Oscar na pati si Kenjie ay kumokopya sa assignment niya, akma siyang lalapit para tumutol. "Hoy!" 

To Save a DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon