Puno ng pagtataka,itinuon ko ang mga mata ko sa nanay ni Rick at nagtanong.

"Tita si Rick po?"

Habang nakatingin ako sa nanay ni Rick,unti unti naman itong napayuko at napatakip na lang ng kamay sa kanyang mga bibig.Dito bigla na lang siyang humagulgol.

Sa puntong ito,parang gusto kong paniwalain na lang ang sarili ko na isang panaginip lang ang nagyayari at bukas lahat ng ito ay wala na.

Makalipas lang ang ilang sandali,naglakas loob na akong silipin ang taong nasa loob ng puting kabaong.

Tila ba nanghina ako nang makita ko si Rick at kasabay nito ang mistulang panghihina ng aking mga tuhod, dahilan para mapaluhod ako sa sahig.Dito nagsimulang bumuhos ng tuluyan ang aking emosyon.

"RiCccckkKKKKK!!!"ang sigaw ko sakanya.

Pilit naman akong kinalma ng nanay ni Rick.

"Tama na Tekki."wika nito.

Nang mahimasmasan ako,muli kong sinilip si Rick.Habang pinagmamasdan ko ito,napansin kong naka t-shirt lang pala ito, malayo sa nakaugalian ng barong o kaya naman ay amerikana.

Nagsimulang pumatak muli ang aking mga luha nang mapagtanto ko na ang suot nitong damit ay ang iniregalo ko sakanya dati.

Ang sabi ng nanay niya sa akin,bilin daw ni niya na pagnamatay ito,yung damit daw na iyon ang ipasuot sa kanya.

Ilang araw matapos ang libing ni Rick.

Napagpasyahan kong balikan ang lugar kung saan sabay naming pinanuod ang minsang pamumula ng buwan,kung saan naging parte siya ng pagtupad sa munti kong pangarap, ang makakita ng eclipse at ang huli, kung saan muling nagsimula ang lahat.

Dito ipinikit ko ang mga mata ko at sinimulan kong kausapin si Rick.Hindi ko man siya nakikita,alam kong mula sa taas ay tinatanaw ako nito at matiyagang nakikinig sa akin.

Mayamaya lang nang imulat ko ang aking mga mata,napansin ko ang isang scrapbook malapit sa akin.Kaya naman ay nilapitan ko ito.

Lumingon ako sa paligid kung may ibang tao ba maliban sa akin ngunit wala akong nakita.

Ang ipinagtataka ko lang kung bakit bigla na lang ito sumulpot sa harapan ko.

Dahan dahan ko itong binuksan at dito tumambad sa aking paningin ang mga litrato namin ni Rick na ngayon ay magsisilbing alaala nalang ng kahapon.

Napakaraming litrato ang nakalagay dito,isa na rito ang kuha naming pareho sa mismong lugar kung nasaan ako ngayon.

Nakakalungkot lang na habang pinagmamasdan ko ang litratong ito.Unti unti ring bumabalik ang alaala ko noong una akong mapunta sa lugar na ito,kasama siya.Masaya niya akong pinapanuod na parang bata noon,na matiyagang naghihintay sa pagbabago ng anyo ng buwan habang pilit sinasabayan ang tila pagsayaw ng apoy mula sa bonfire na ginawa niya mismo.

Mayamaya pa,sa kalagitnaan ng aking pagbubuklat ay nakita ko rin sa loob ng scrapbook ang pahina ng aking libro na may nakaguhit na larawan ng camera.

Naalala ko ito,ito yung unang beses na nag away kami ni Rick noong hayskul dahil ginawa niyang sketch pad ang pahina ng libro ko.

Malinaw pa sa aking alaala ang mga binitawan nitong salita sa akin.

"Nag drawing ako ng camera diyan para kahit mawala man ako,maalala mo pa rin ako."

Lahat ng ito ay magsisilbing alaala na lang.Alala ng kahapong maligalig.

Tama nga si Rick nang minsang sabihin niya sa akin na

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Where stories live. Discover now