CHAPTER 21

266 5 0
                                    

CHAPTER 21

(Part I)

TEKKI'S P.O.V

Marami sa atin ang patuloy na sumusubok tahakin ang daan ng pagibig,patuloy na nakikipagtunggali maipanalo lang ang kaligayahan ng puso, pero sa kabila nun, may mangilan-ngilan naman na tuluyan nang sumuko,nabahag ang buntot at tuluyan ng natakot.

Sa dami na ng mga pinagdaanan ko,masasabi ko na kaakibat na ng pagmamahal ang posibilidad na maari kang masugatan,madapa o magkamali.

Pero hindi nangangahulugan iyon na hindi kana susubok.

Magaalas diyes na nang tuluyan akong maihatid ni Rick sa bahay.

Habang inihahatid ako ni Rick papasok ng gate ay nagpasalamat naman ako dito.

"Thank you nga pala Rick huh."

"Thank you din Tekki."wika ni Rick.

Humalik naman ito sa pisngi ko,bagay na lubos kong ikinabigla.

Sinikap kong tanawin si Rick mula sa loob ng aming bakuran.Nang tuluyan na itong makalayo,iwinagayway ko ang aking mga kamay,senyales ng pamamaalam.

Ang saya ko ngayong gabi, napakagaan sa pakiramdam na para bang inililipad ako ng mga paru paro patungong langit.

Mayamaya lang ay laking gulat ko nang bigla sumulpot sa aking tabi ang pinsan kong si Will.

"Mukhang in love tayo ah?" ang pabirong wika nito.

Tumingin ako dito at tsaka inirapan,sabay bitaw ng mga salitang-

"Ai ewan ko sayo papasok na ako."

"Uiiiiiiiii." ang patuloy nitong panunukso.

Kunwari ay hinampas ko naman ito sa kanyang likuran bilang senyales na hindi ako kompartableng tinutukso niya.

"Ano ka ba Will,tumigil ka nga diyan."wika ko.

"Ane ke be Will,Temegel ke nge deyen, Ai ewan ko saiyo ang arte mo!"wika ni Will sa akin.

"Pumasok ka na!"ang naiirita kong wika.

Agad namang pumasok si Will nang masabi ko iyon.At mayamaya lang habang tinatanaw ko ang sasakyan ni Rick ay biglang bumulaga sa akin si Gerry na nasa harap mismo ng gate.

"Gerry bakit andito ka?"tanong ko sa kanya.

Labis kong ipinagtaka ang biglaan nitong pagsulpot na parang kabute.Ilang araw na rin ang lumipas pero sariwa pa sa isip ko ang mga nangyari sa amin ,bagay na lubos na ikinasama ng loob ko.

"So okay na pala kayo ni Rick?"tanong niya sa akin.

Tila ba nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko kay Gerry.Ilang beses ko nang nakuwento si Rick sa kanya pero kahit minsan ay hindi ko pa naipakita dito ang mga litrato nito.Kaya naman lubos akong nagtaka lalo,kung bakit alam niya ang mukha ni Rick.

"Bakit kilala mo siya?"tanong ko kay Gerry.

Binigyan ako ni Gerry ng isang tila nakakainsultong ngiti,kasabay nito ang pagtitig niya sa aking mga mata.

"Matagal na kaming magkakilala Tekki."wika nito.

Ang kasiyahang dama ko kanina ay tila ba agad naglaho at napalitan ng inis sa biglaang pagdating ni Gerry.Lubos kong mas ikinagalit ang mga narinig ko mula sakanya,kaya naman pinilit ko na lang itong iwasan.

"Gerry ayaw ko ng makipagusap sayo!"ang naiirita kong wika.

Agad naman itong tumugon sa sinabi ko at para bang sa mga oras na ito,mas lalo itong nangasar.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon