CHAPTER 10

1.2K 10 2
                                    

CHAPTER10

GERRY'S P.O.V

Lahat daw ng bagay na nangyayari sa atin ay nakatadhana talaga para mangyari kaya bigla akong napaisip.Ano nga ba ang halaga ng mga bagay na ating ipinaglalaban kung hindi natin ito maipapanalo at sa bandang huli tadhana ang magwawagi.

Sa kabila ng lahat ng iyon ako ay patuloy na lumalaban dala ang aking mga rason kahit na marami pa ring bagay sa mundo ang tila palaisipan sa akin.

Nang matapos kami mamitas ng bunga ng ponkan , kinagabihan noon ay tinungo namin ang taunang bonfire festival ng mga katutubo ng Sagada.

Nang marating namin ang lugar isang malaking bonfire ang bumungad sa amin at ang ilaw na mula sa sinusunog na mga kahoy ng mga katutubo ang tila nagbibigaw ng liwanag sa lugar,dagdag pa doon ay may musika ka ring maririnig mula sa mga katutubong instrumento na tinutugtog ng mga tao doon.Napakaraming turista ang dumayo dito na aliw na aliw sa init at liwanag na ibinibigay ng apoy na bagay na nakabawas sa sobrang lamig ng klima dito.

Sa kabila ng kasiyahan ay napansin ko si Chizzy.

Will-Ang ganda,Nakakaaliw ang laki ng apoy diba Chizzy?

Chizzy-Huh?

Will-Ang ganda kako o ba't parang lutang ka ngayon at wala sa mood?

Chizzy-Hindi,napagod lang siguro ako sa biyeha kanina.

Tila may bumabagabag kay Chizzy sa oras na ito.Nang masdan ko ito,isang Chizzy na walang gana,matamlay at malungkot ang nakita ko marahil ay hindi siya kumbinsido sa pagpapaliwanag ko kay Tekki kanina at hanggang ngayon ay iniisip pa rin niya iyon.

Alam kong nakakahalata na siya na may itinatago ako kaya sa mga oras na ito kailangan mas maging maingat ako sa mga galaw ko.

Alam kong mali ang ginagawa kong pagsisinungaling kay Tekki pero may rason ako kung bakit ko ito ginagawa.Gusto siyang ilayo malayo sa sakit na dala ng kahapon.

Hindi niya pwedeng malaman na magkakilala kami ni Rick lalo na at ngayon pang masaya na uli siya at tuluyan ng naka move on kay Rick.Malayong malayo na ang Tekki noon sa Tekki ngayon.Yung dating takot ngayon ay lumalaban na,yung dating iyakin ngayon ay masiyahin na at yung dating ayaw magtiwala ngayon ay nagtitiwala na.

Naalala ko bigla dati nilapitan ko lang uli si Tekki para sundin ang mga bilin sa akin ni Rick.Akala ko dati ganoon lang kadali iyon na pasiyahin lang siya at kaibiganin para maibawi ang mga pagkukulang ni Rick sakanya at ang mga nagawa nito limang taon na ang nakalipas pero dumating na ako sa puntong naging sobrang lapit na ako sa tao.Mahal ko na si Tekki bilang kaibigan at bilang kaibigan hangad ko ang kaligayahan niya.Kaya't hangga't kaya kong itago itatago ko wag lang muling mabuksan ang sugat ng nakaraan.

Tekki-Oi bakit natahimik ka diyan?Ang lalim ng iniisip ah.

Gerry-Ah....eh,may naalala lang ako.

Tekki-ahhhhh...hmmmm...Ex mo?

Gerry-Hindi,naalala ko lang..yung...yung....Yung kapatid ko baka walang kasama ngayon.

Tekki-Bakit hindi mo itext kesa nagwoworry ka diyan.

Gerry-Ah ou nga no.

Dinukot ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at sinimulan ang kunwaring pagtetext.

Nang matapos ako ay itinuon ko ang aking attensyon kila Will,Tekki at Jona na sa kasalukuyan ay tuwang-tuwa sa init at liwanag na dala ng apoy habang si Chizzy ay wala pa ring kibo.

Will-Chizzy ang ganda tignan mo iyong apoy parang sumasayaw lang sumusunod sa direksyon ng hangin.

Chizzy-Ou nga masyadong agresibo parang may sariling buhay...

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Where stories live. Discover now