CHAPTER 9

1.3K 8 4
                                    

CHAPTER 9

GERRY'S P.O.V

Minsan may mga bagay sa buhay na babagabag sa atin at dito pumapasok ang salitang katotohanan.Bilyon-bilyong buhay,iba't ibang anyo,iba't ibang kulay pero sa ilang bilyong iyon,Ilan dito ang katulad mong namumuhay sa kasinungalingan?

Hanggang kailan ka magiging matapang sa pagtago ng kasinungalingan?

Hanggang kailan ka magiging duwag sa paglalahad ng katotohanan?

Gerry-Hello,Oh bakit ka napatawag Tekki.

Tekki-Okay ka ba sa saturday sa Sagada?Kasama ko mga kaibigan ko.

Gerry-ah,eh...

Tekki-Wag ka na mag-isip!basta sasama ka.Ayaw m ba noon malay mo isa kina Chizzy at Jona ang maging kapalit ni Liza sa buhay mo.hahaha

Gerry-Oh sige na nga.

Tekki-Okay.Wala ng bawian iyan ah.

Gerry-Opo.Tekki.

Dalawang araw bago ang pagpunta namin ng Sagada.Mga bandang alas dose ng tanghali ay may narinig akong kumakatok sa aming pinto.Pamilyar ang boses nito kaya naman ay agad kong tinungo ang pintuan para buksan.

Laking gulat ko nang makita ko Si Rick sa mismong harap ko.Napahiyaw ako ng bahagya,siguro sa sobrang kagalakan at agad ko naman itong binigyan ng isang mahigpit na yakap.

Gerry-Pare pucha! Ginulat mo ko.Bakit di ka nagpasabing uuwi ka na pala ng Pinas.

Rick-Ayaw mo ba noon?Surprise!

Gerry-Eh sana nagpasabi ka para hindi na ko nag oo kay Tekki.Niyaya niya kasi akong magpunta ng Sagada sa saturday eh.

Napansin kong biglang naging seryoso ang mukha ni Rick nang mabanggit ko ang pangalan ni Tekki at agad naman niyang kinumusta ito.

Rick-Kamusta naman si Tekki.Salamat pala pare sinunod mo iyong bilin ko sa iyo.

Gerry-Ano pa't naging magkaibigan tayo diba?Okay naman si Tekki,nakikita ko naman sa kanya na masaya siya sa buhay.

Rick-Mabuti naman kung ganoon.

Gerry-Pare siguro it's about time na magexplain ka kay Tekki.

Biglang natahimik si Rick siguro ay nag-iisip siya kung ano ang gagawin niya pero hindi nagtagal ay muli itong nagsalita.

Rick-Dadating din tayo diyan Gerry.

Dahil medyo naging seryoso na si Rick at alam kong mabigat ang usapang tungkol kay Tekki para sakanya ay agad kong iniba ang usapan bago pa ito tuluyang malungkot.

Gerry-Siya nga pala kailan ka pa dumating?

Rick-Medyo may katagalan na rin.Siguro magdadalawang buwan na.

Gerry-Pucha naman pare!Bakit ngayon mo lang ako dinalaw?

Rick-May mga inaayos kasi ako dito at ngayon lang ako nagkaroon ng oras para sa sarili.

Gerry-Eh sana man lang sinabi mo sa akin na nandito ka na noon pa.

Rick-Eh kasi nga gusto kitang gulatin ahahaha.Oh diba nagulat ka naman.

Gerry-Loko ka talaga,so hanggang kailan ka dito?

Rick-Hindi ko pa alam pare...

Gerry-Maiba uli ako bakit parang nabawasan ka ng timbang?

Mistulang hindi narinig ni Rick ang tanong kong iyon.Wala ni isang tugon akong nakuha mula sakanya siguro ay iniisip niya pa rin si Tekki sa puntong ito kaya naman ay binigyan ko muna siya ng oras mag-isa at ikinuha ko muna ito ng maiinom.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon