CHAPTER 6

1.5K 7 0
                                    

CHAPTER 6

E.E Cummings once wrote"Trust your heart if the seas catch fire."

Ang buhay daw ay parang sugal kung gusto mong magkaroon kailangang handa kang mawalan.

Kinahapunan nagpunta ako sa isang coffee shop para makapagrelax.Niyaya ko si Chizzy para samahan ako at para mas lalo ko pa siyang makilala.

Alam ko ito na iyong tamang panahon para sumugal at muling ibalik ang tiwala ko sa mga tao.For the longest time si Jona lang ang naging kaibigan ko simula nang mangyari ang sa amin ni Rick.

Ang pakikipagkaibigan ko kay Chizzy ay unang hakbang ko mula sa nakaraan.

Mayamaya lang ay dumating na si Chizzy sa branch ng coffee shop na sinabi kong puntahan niya.

"Anong maipaglilingkod ng kagandahan ko saiyo boss Tekki?,wika nito.

"Ahahaha,loka loka ka talaga.Wala naman,gusto lang sana kitang mas makilala.Minsan kasi sinabihan mo akong loner, so to prove na you're wrong heto pinapunta kita dito.Oh diba hindi na ako loner?",wika ko habang nakangiti.

"talagang tinandaan mo iyon ah.",wika nito.

Ikinuwento ko ang buhay ko kay Chizzy lahat ng hirap na pinagdaanan ko sa pamilya,sa trabaho,sa kaibigan at maski sa pag-ibig.Sa kabilang banda ikinuwento ko rin naman ang masasayang karanasan ko sa buhay para mas maintindihan niya ako bilang isang indibidwal.

Alam kong malaking sugal ang pagbubukas ko ng mga pahina ng buhay ko sa isang taong hindi ko pa lubos na kakilala, pero isa lang ang naramdaman ko.

Ang sarap sa pakiramdam ng may panibagong tao kang pwedeng hingahan ng mga nararamdaman mo.It's liberating to express oneself freely parang it's like I was able to break free from some kind of bondage.I feel so alive.

Nang matapos akong magkuwento tungkol sa sarili ko,kusa namang nagkuwento si Chizzy ng mga karanasan niya sa buhay.Isa na dito ang buhay pagibig niya.Naikuwento niya sa akin na minsan sa sobrang pagkabigo niya sa dati niyang nakarelasyon ay tinangka niyang magpakamatay.

Nagulat ako na sa kabila ng pagiging loka-loka at masiyahin ng babaeng ito ay may nagkukubling napakalungkot at napakasakit na nakaraan kaya tinanong ko siya.

"Paano mo nagagawang tumawa at maging masaya Chizzy sa kabila ng mga nangyari sa iyo noon.",tanong ko dito.

Ngumiti ito at tumingin sa aking mga mata.Mayamaya lang ang sumagot na.

"Minsan hindi dahil nakangiti ka ay masaya ka,madalas defense mechanism iyon ng mga taong nasasaktan.Faking that they're happy until they become genuinely happy.I guess that's the key.Fake it until you make it.",wika nito.

Natuwa ako sa positibong pananaw ni Chizzy sa buhay.Siguro ito iyong dahilan kung bakit mahal na mahal siya ng boyfriend niya ngayon.

Mayamaya pa sa kalagitnaan ng paguusap namin,biglang tumunog ang cell ko,si Gerry nagtext,tinatanong kung nasaan ako.Nagtaka naman ako nang biglang magtext ang taong ito at tinatanong pa kung nasaan ako.

Sinabi kong nasa coffee shop ako at ang sabi niya sa akin,baka pwede siyang dumaan since malapit lang naman siya sa area na mas lalo kong ipinagtaka.

Nag oo ako sakanya at hindi nagtagal,may nakita na akong bumungad na may katangkarang lalake,moreno at may itsura si Gerry pala ito, hindi ko namukaan sa kadahilanang ibang-iba ang aura niya ngayon,napaka aliwalas nito kaya lalo namang lumutang ang pagiging gandang lalaki nito.

"Hi",ang bungad na pambati ni Gerry saming dalawa ni Chizzy,nahalata ko naman na hindi komportable si Chizzy na kaharap si Gerry,siguro dahil nagkakahiyaan pa ang mga ito.

Habang naguusap kame ni Gerry, nahalata kong pilit umiiwas si Chizzy sa usapan,kaya naman ay nagsuot na lang ito ng headset at nakinig sa kanta.

Marami kaming pinagkwentuhan ni Gerry,mga random topics lang na nagustuhan ko naman.

Mayamaya lang,napag usapan namin ni Gerry ang paksang pagibig,tinanong niya ako kung may partner ako at biglang nanlamig ang mga kamay ko.

Naging matipid ang sagot ko kay Gerry

"Huh?ah eh wala."

Sinundan niya naman uli ito ng isa pang tanong.

"Oh bakit naman?baka naman kasi sobrang taas ng standards mo?",tanong ni Gerry.

Bilang tugon,ipinaliwanag ko kay sa kanya na hindi naman kasi ako nag hahanap at tsaka maraming bagay ang gumugulo sa isip ko na mas kailangang bigyan ng atensyon ngayon,bagay na naintindihan niya naman.

Hindi nagtagal,nauna na rin si Gerry at nagpaalam sa amin ni Chizzy at dito nagpatuloy ang pagkukwentuhan namin.

Mayamaya pa,nabanggit nito na kaya daw siya umiiwas at hindi masyadong nagsasalita kaninang nandiyan si Gerry ay sa kadahilanang mabigat ang daw ang pakiramdam nito sa tao,bagay na hindi ko na inusisa pa.

Ang pagkikita naming iyon ni Chizzy ang naging hudyat ng mas malalim na pagkakaibigan.

Naging madalas ang pagsasama namin sa opisina,madalas kaming nagkakakwentuhan.Napadalas din ang paglabas namin para kumain at minsan nga'y nagseselos na ang aking bestfriend na si Jona,kaya naman para maiwasan ang mga ganoong isyu ay ipinakilala ko sila sa isa't-isa.

Hindi nagtagal ay naging magkasundo rin naman ang dalawa,bagay na ikinatuwa ko ng lubusan.Ang sarap pala sa pakiramdam na dumarami ang kaibigan mo.Pakiramdam ko tuloy na ang pagsugal kong papasukin si Chizzy sa buhay ko ay isa mga magandang desisyong ginawa ko at kung sakali mang matalo ako wala akong pagsisisihan.

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora