CHAPTER 17

715 2 2
                                    

CHAPTER 17

Nasubukan mo na bang pagmasdan ang bughaw na kalangitan at langhapin ang hangin ng hapdi at dalamhati?

Napatanong ka na ba sa sarili kung ilang milyong tao ba ang tumatakbong takot araw-araw,dala ang mga bagay na itinatago nila.Mga bagay na mas lalong nagpapabigat sa pasanin ng bawat isa sa atin.

Sikreto ,ang tawag sa mga bagay na inilihim natin sa mga mata at pandinig ng publiko.

Alam kong may rason kung bakit natin nagagawa ang mga ito at batid ko rin na may mga bagay sa buhay ng isang tao na mas makakabuti kung ibabaon na lang sa limot.

Sabi nga sa ingles "There are things better left unsaid."

Habang kasalukuyan kaming nakaupo sa couch ni Will ay biglang dumating naman ang mama.

Agad ko naman ibinungad ang mga tanong na matagal na ay naglalaro sa aking isipan.

"Ma totoo ba?"

"Na ano?"

"Magkapatid ba kami ni Jeff?"

Bigla itong napahinto nang sabihin ko iyon bukod doon nahalata ko rin ang labis na kaba na kanyang nadadama sa oras na ito.Kasabay nito ang biglaang panlalaki ng kanyang mga mata.

Sa oras na ito kahit wala pang sinasabi ang mama tila ba sa reaksyon niya pa lang ay alam ko na ang sagot.

Muli ay inulit ko ang tanong.

"Ma totoo ba?"

Napailing ang mama pero mayamaya lang ay dahan dahang bumukas ang mga labi nito kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha.

"OO!"

Tila ba huminto sa pag-ikot ang mundo nang marinig namin iyon.Maski si Will ay napahinto at tulala sa kanyang kinauupuan.

Paglipas ng ilang minuto ay nagsimulang magpaliwanag ang mama.Tinignan ako nito sa mata.

"I'm sorry,Natakot lang ako na baka hindi niyo mapatawad ang papa niyo, pag nalaman niyo ang katotohanan."

"Ganun na lang iyon?Ma! Buong buhay ko natiis mong paniwalain kami sa mga kasinungalingan niyo? Hanggang kailan mo sana balak itago ang lahat huh?"

Nang masabi ko ang mga iyon ay unti-unti naman akong umatras.

Agad namang hinawakan ng mama ang aking mga kamay at dito bumuhos ng tuluyan ang mga emosyon.Ilang minuto ring tumagal na walang mga salitang lumabas sa aming mga bibig at puro iyak lang ang nangyari.

Sa sobrang taas ng emosyong dama ko bigla na lang akong napaupo sa sahig habang ang mama naman ay nanatili sa kanyang kinatatayuan.Dito pilit kaming pinakalma ng pinsan kong si Will.

Nang medyo kalmado na ang lahat,unti unting ko naman nakita ang pagbukas ng labi ni mama.

"I'm sorry."

"Okay na mama..."

"I'm sorry talaga."

"Pwedeng hayaan mo muna akong mag-isa ma ."

Pagkasabi ko noon ay unti-unti ko namang tinungo ang kwarto at nang marating ko ito ay agad kong isinara ang pinto

Sa pagsusulat ay ibinuhos ko lahat ng emosyon ko.

Ang sakit sobra parang pakiramdam ko pinaglaruaan ako ng tadhana.

Bakit kailangang sabay-sabay pa ang dagok ng buhay.Ang alam ko kasi isa lang naman ang ulo ko para sumalo sa mga dagok na iyan.

Si Gerry,pinaasa ako,si mama pinaniwala ako at ang masaklap pa sa lahat,kung kailan nakabangon na ako bigla pa akong mahuhulog sa kinalalagyan ko.

Si Rick,sa saglit na pagkikita namin tila ba lahat ng sakit na pilit kong nilimot ng mahabang panahon ay nanumbalik.

Kasabay ng panunumbalik nang sakit nakaramdam din ako ng isang bagay na hindi ko maipaliwanag kung ano.Para bang sa kabila ng lahat ng sakit na dulot ni Rick ay hindi ko magawang magalit sakanya ng lubos,lalo na nang makita ko ang mga mata niya na tila nangangausap.

Sa sobrang dami kong iniisip ay hindi ko namalayang madaling araw na pala,hindi ko man lang namalayan ang paktakbo ng oras.Kaya naman sa kabila ng mga nararamdam ko ay pinilit ko na lang ipinikit ang aking mga mata.Isang buntong hiningang malalim.

Kinabukasan nang paglabas ko ng aking kwarto para mag-almusal ay bumungad sa akin ang lamesa na puno ng pagkain.

Hindi ko alam kung ano ang meron kasi hindi naman ganito ang kadalasang tagpo sa aming bahay.

Madalas malungkot.

Mayamaya pa ay narinig ko ang boses ni Will.

"Insan."

At hindi nagtagal bumungad sa akin ang mama suot ang isang napakaaliwalas na ngiti na tila sumasabay sa pamumukadkad ng umaga.

Tinignan ako nito sa mata,hindi ko alam pero ang saya ko sa panahong ito.

Ang gaan sa pakiramdam.Pakiramdam ko sa mahabang panahon simula ng mamatay ang papa ngayon lang ko lang uli naramdaman ito,na nageexist na uli ako sa paningin niya.

Wala ng salita,wala ng mga sagutan at agad akong niyakap ng mama.Ang init ng yakap nito na tumatagos sa aking puso.

"I'm sorry"Ang sabi ng mama.

"Okay na ma"

Matapos ang ilang minuto nang matapos kaaming mag-almusal ay agad naman akong gumayak para sa trabaho.

"Ma gagayak na po ako."

Muli ay niyakap ako ng mama ni tila ba mangiyakngiyak pa.

"Sige,pagbutin mo yang trabaho mo ah.I'm proud of you kahit ano ka pa."

Tinitigan ko ang mama matapos niyang sabihin iyon at dito hindi ko napigilan ang pagbagsak ng aking mga luha.

Sa haba ng panahon ngayon ko lang narinig na proud ang mama sa akin.Ang sarap sa pakiramdam kasi alam mong may taong naniniwala pa rin saiyo.

"Salamat ma."

Somewhere In My past(GAY ROMANCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon