"Huwag kang mag-alala, hindi naman ako nagmamadali, Yohan," he said, trying to convince me.

I nodded. "Alam ko naman na ayaw mo pang mag-asawa rin."

His eye widened a fraction and his lips pursed. "At nanliligaw pa ako sa'yo."

Tumango ulit ako at nilingon na si Aria at Tita sa harap. "Hindi pa po kami mag-aasawa."

"S'yempre, ayaw mo e. Tsaka ni hindi mo pa sinasagot," si Aria na agad na kinurot ni Romulo.

Nagsimangutan ang dalawa sa isa't-isa.

"Kung sasagutin mo si Captain, Yohan. Dapat isipin mo na rin ang pag-aasawa! Ang sabi niya nga, hindi na siya bata at gusto niya na ng pangmatagalan!" si Tita.

Tumawa si Alvaro, nanigas naman ako.

"P-Pero nakakahiya naman po. Hindi naman niya ako niyaya pa, Tita... kaya mas magandang huwag na muna nating isipin masyado ang ganyan," natataranta kong sinabi.

"Baka po ma-pressure si Yohan, Ma'am. Sa susunod na lang-"

"E, ikaw ba hijo? Nakikita mo ba siyang magiging asawa mo na kalaunan?" Tita persisted.

I gritted my teeth, very scared of whatever will be Alvaro's answer. Nilingon ko siya. Nakita kong namumungay ang mga mata niya bago bumaling kay Tita at sumagot.

"Oo naman po. Kaya po ako nanliligaw kasi nakikita ko po na gusto ko na rin siyang maging asawa. Pero hindi naman po ako nagmamadali at maghihintay lang po ako kay Yohan."

Tita Amanda smirked and bit her lower lip.

"Oh, kita mo?! That's why my advice, before you say yes to him, think about your future. Are you willing to spend it with him? Hindi ka na bata para maglaro laro at boyfriend boyfriend lang, hija!"

Kinagat ko ang labi ko. Iniisip ko pa ang sagot ni Alvaro. Was that really for real?

"Ano? Huh?!" si Tita an gusto pang marinig sa akin ang tamang sagot.

"Opo."

Alvaro chuckled and crouched a little to watch my lowered gaze. "Hey. Don't be pressured."

"Sus, Captain! Dinidiretso kasi dapat 'tong batang 'to, e. Kasi malikot isipan niyan. Ang daming iniisip! Kaya buti at nakausap ko kayong dalawa bago kami tumulak ng Bacolod..."


Nagpatuloy pa si Tita sa kuwento. Alvaro also changed the topic so much. He asked about their business. Si Tito na ngayon ang sumasagot. Hanggang sa kalaunan, napag usapan na ang tungkol sa insidente sa azucarera.

Kaya naman nawala na rin ang naramdamang awkwardness ko kanina at natahimik na lang doon.

"Si Margaux na at Soren, 'di ba?" si Aria na ikinagulat ko.

Ni hindi ko alam na ganoon nga. Nakita ko naman sila sa Homecoming kahit hindi naman magkabatch ang dalawa ay magkatabi.

"Oo. Alam ng mga Osorio na si Soren talaga ang target kaya nagpalagay sila ng bodyguard kay Margaux," si Alvaro.

"Paano 'yan? Madalas 'yon sa inyo, hindi ba?" si Aria sabay sulyap sa akin.

"Ah, hindi na. Tinutulungan kasi niya sina Mama dahil gusto nilang magtanim ng tubo-"

"May gusto 'yon sa'yo. Laging nagpaparinig."

"Si Margaux? E hindi ba ex ni Yohan ang kapatid noon?" sabay baling ni Tita sa akin. "May gusto sa'yo, hijo?"

"Ah. Wala na naman po 'yon. Kaibigan lang ang turing ko doon."

Nilingon ko si Alvaro. Why does it sound like Margaux did really confess to him?

Hold Me Close (Azucarera Series #3)Onde histórias criam vida. Descubra agora