"Saan niya sinend?" pagtatanong ko.


"Pinost niya sa group natin. Kaso hindi ko ma-open, ang bagal ng wi-fi dito."


"Teka," kinuha ko 'yong cellphone ko. "May net ako," sagot ko rito.


Nasa isang kainan kami sa mall ngayon. Kaya kami nandito kasi wala kaming klase sa Agrarian subject namin dahil nasa seminar 'yong prof. Iniwan na lang daw niya 'yong power point presentation niya para sa lesson namin ngayong araw sa President naming. Kailangan kasi naming aralin 'yon dahil malapit na ang midterms exam. Iniisip ko nga kung paano ko maiintidihan 'yong lesson kung self-study lang, ang sakit kasi sa ulo.


"Ito, na-download ko na," pag-anunsiyo ko sa kanila. "Send ko na lang sa group chat natin."


Natigilan ako saglit nang makita ko ang mute icon sa group chat naming. Inilagay ko nga pala sa mute 'tong group chat at 'yong mga individual chat nila sa'kin dahil sa sunod sunod nilang mga messages noon. Wala kasi ko noon sa mood basahin mga messages nila at naiirita rin ako sa tunog ng notif ng messenger. Pagbukas ko ng group chat namin, samu't saring unread message ang bumungad sa'kin. Tinanggal ko muna ito sa pagkakamute bago ko binasa ang ilan sa mga huling messages dito.


Jaydel Paulette:

Lhia, okay ka na ba? Hindi ka na nmin nakitang umuwi


Clarisse Anne:

nakuha mo nman lhat ng gamit mo? Nsa kin COR mo


Sheila Ly:

ingat ka beh, pagaling ka


Kailan pa ba nila sinend 'to? Bakit ngayon ko lang nakita? Tinignan ko 'yong petsa, June **, 20**. Napaisip naman ako, hindi ba araw ng pasukan 'yon? Tinignan ko pa 'yong ibang old messages, mga noon pa ito nasend, month of May pa. Puro pangangamustang mensahe ang laman nito. Bigla akong napaisip, kalian ko nga ba ako huling nag-online? Noong chineck ko 'yong Facebook account ni Orlando? Kailan pa ba 'yon? Hindi ko na maalala.


Tinignan ko ang ibang unread messages ko matapos kong i-send sa group chat naming 'yong power point. Inisa isa ko ang pag-unmute sa mga account nila. Hindi na ko nag-abalang basahin 'yong mga messages dahil halos pare pareho lang, puro pangangamusta.


Napatigil ako sa isang message na nakuha ko mula sa hindi inaasahang tao, si Jasmin. Hindi ko naiwasang bahagyang mapakunot noo nang makita ko ang pangalan nito. Parang sa loob ng tatlong taong pagiging magkaklase namin, ngayon lang niya ko minessage.


Jasmin sent a photo.


Iyon ang naka-display sa kanya. Ano kayang photo 'to? Binuksan ko ito at hindi ko maiwasang magulat sa sinend nito.


Jasmin:

Hi, Lhia

Sorry, nakikita ko kasi mga post mo noon. Parang kasing kamukha ni Sir Lan 'yong boyfriend mo.

Meet My Professor ✓Onde as histórias ganham vida. Descobre agora