ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ sᴇᴠᴇɴ

88 15 0
                                    

ᴅᴇsᴛɪɴᴇᴅ ᴛᴏ ʙᴇ ʏᴏᴜʀs
ᵇʸ ᶜˢ


🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷  🇸 🇪 🇻 🇪 🇳 

🇬 ʀᴀᴅᴜᴀᴛɪᴏɴ na namin ni Charles, at alam niyo ang mas nakakagulat? Isa rin ako sa mga highest honor, well? Boyfriend ko ba naman ang isang matalino kaya na impluwensiyahan tuloy akong mag-aral ng mabuti. Kapag hindi ko gets 'yong lesson itinuturo niya sa akin ng paulit-ulit hanggang sa ma-gets ko na. Gano'n siya ka tiyaga sa akin. Ang s'werte ko 'no? 'Yong dati kong crush crinush back ako. And take note naging boyfriend ko pa.

Dalawang taon na kami ni Charles mula no'ng umamin siya sa akin no'n at niligawan niya ako hanggang sa tuluyan na akong mapasagot ng Oo, aba naman kahit crush ko siya dapat manligaw man lang siya sa akin at patunayan niyang mahal nga talaga niya ako.

Sa loob ng dalawang taon ang daming nangyari. Ang dami naming pinagdaan 'yong tipong muntikan na rin kaming magbreak pero matatag si Charles hindi niya pinabayaan 'yong relasyon namin at hindi ako nagsisisi na minahal ko siya.

May mga babae nga ring umaaligid sa boyfriend ko kaya ayon laging dumudugo 'yong nguso nila dahil sinasapak ko. Mahaharot kase e, alam naman nilang may girlfriend na 'yong tao tapos kung makalingkis daig pa ang ahas!

Parehas kaming course na kukunin sa college. Baliw kase si Charles kung na saan daw ako dapat nando'n din siya 'tsaka buti na lang kamo parehas naming pangarap ang maging Engineer pero 'di pa naman kami sure kung makakasama ko ba talaga siya kase 'di pa kami nakakapag take ng entrance exam. Pero mukhang 'di ko na mapipigilan si Charles sa gusto niya dahil lagi naman siyang pursigido basta nasa tama siya at walang na aaragabyado kaya doon siya sa gusto niya.

P'wede naman kaming mag-isang school na papasukan kahit hindi kami magkaklase pero gusto niya talagang sanggang dikit kami. Ayaw niyang lumayo kahit ilang pulgada lang. Mas'yado na ngang oa pero kahit gano'n 'di naman ako nasasakal dahil alam naman niya kung hanggang saan lang ang pagiging oa.

Isa-isang tinawag ang mga may honor unang tinawag si Charles my loves, sa totoo lang lalong gumwapo si Charles o sad'yang nagiging gwapo lang talaga ang isang tao kapag inlove siya sa taong 'yon? Ah basta! Ang importante masaya kami ni Charles kahit dumating man 'yong araw na hindi na kami nagkaka-intindahan may pinanghahawakan naman kami sa isa't-isa. Pero hindi ko sinasabing hindi ako natatakot sa magiging takbo ng buhay namin lalo na kapag tumungtong na kami sa college. Meron pa rin akong takot pero kailangan ko lang tatagan 'yong loob ko. Hindi ako basta susuko basta ba nandiyan pa rin siya para sa akin. Hindi ko siya isusuko hangga't wala siyang sinasabi. Kahit anong mangyari 'di ko siya susukuan.

"Charles Javier D. Martinez, nagkamit ng mataas na karangalan."

Umakyat si Charles sa entablado at sobrang proud ako dahil alam kong malayo ang mararating ni Charles ba lang araw. Sumigaw pa ako habang pumapalakpak para i-cheer siya tumigil lang ako nang ako na 'yong tinawag.

"Giselle C. De Magiba! Nagkamit ng mataas na karangalan."

Sumigaw rin si Charles habang pumapalakpak at sinasabing girlfriend daw niya ako. Rumampa naman ako hanggang sa makalapit ako kay Charles na mabilis naman akong niyakap kaya hinagkan ko rin siya ng mahigpit.

"Congrats G."

"Congrats C."

"I love you!"

Destined to be yours ᶜᵒᵐᵖˡᵉᵗᵉᵈTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon