ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ғɪᴠᴇ

82 15 0
                                    

ᴅᴇsᴛɪɴᴇᴅ ᴛᴏ ʙᴇ ʏᴏʏʀs
ᵇʸ ᶜˢ

🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷  🇫 🇮 🇻 🇪 

"Okay ka na besh?"

"Ayos na."

"Mukhang na takot si Lita sa'yo kahapon besh."

"Matakot talaga siya! Hindi niya kilala kung sino kinakalaban niya, kung akala niya mananalo siya dahil ako ang laman ng ingay ngayon, nagkakamali siya baka kapag binulgar ko 'yang baho niya bumaligtad ang lahat at siya ngayon ang pumaibabaw sa issue."

"Ano ba kaseng baho 'yon?"

"Tsaka mo na malalaman kapag ginalit niya ulit ako."

Pumasok na kami sa classroom at nakita ko naman si Charles na nakatingin sa akin. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Hindi ko alam kung ilang araw ko siyang hindi papansinin dahil sa nangyari pero pahuhupain ko muna itong issue na 'to bago ko ulit siya kulitin. Med'yo nahiya rin ako sa kaniya dahil nadamay siya sa ingay sa campus.

Umupo na kami ni Sarah sa upuan namin at hindi nagtagal ay dumating na rin 'yong teacher namin sa English. Nag quiz kami, up to 30 at nang matapos 'yon ipinasa namin kay ma'am 'yong papel sabi niya siya na raw ang mag che-check ng papel namin.

Pinag lecture muna niya kami dahil mag che-check muna siya hanggang sa matapos kami gano'n rin siya. Bigla na lang niya akong tinawag. Akala ko may nagawa na naman akong mali. Oo, alam na rin ng mga teachers 'yong nangyari sa amin kaya pinatawag kami ni Charles at hiyang-hiya ako sa sinabi ko kaya isa rin sa dahilan kung bakit ko iniiwasan si Charles.

Pinagsabihan lang naman ako ng adviser namin at sinabing 'wag ko na raw uulitin 'yon lalo na kung nandito kami sa campus.

"Giselle?"

"Yes po ma'am?" lumapit ako sa kaniya at ipinakita naman niya 'yong papel sa akin. Biglang nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa nakikita ko.

"You've got a perfect score!" nakangiting sabi ni ma'am.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. P-paano nangyari 'yon? First time kong maka-perfect sa quiz at hindi ako makapaniwala dahil ako ang highest sa klase. May isang mali si Charles.

Destined to be yours ᶜᵒᵐᵖˡᵉᵗᵉᵈWhere stories live. Discover now