ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛᴡᴏ

86 16 0
                                    

ᴅᴇsᴛɪɴᴇᴅ ᴛᴏ ʙᴇ ʏᴏᴜʀs
ᵇʸ ᶜˢ

🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷  🇹 🇼 🇴 

"Bakit mo 'ko Blinock?"

Humarang ako sa daraanan niya gamit ang dalawa kong kamay.

"Ang kulit mo kase," saka niya ako nilagpasan kaya naman hinabol ko ulit siya at humarang ulit sa dinaraanan niya.

Pinagtitinginan kami ng dalawang babae at nagbulungan pa pero rinig naman ang mga sinasabi.

"Buti pa siya nakaka-usap niya 'yong crush niya, samantalang ako 'di ko kaya 'yan. Lalo na't pinangungunahan ako ng kaba at hiya," bulong ng isa.

"Ang tapang naman niya," sabi ng isa.

"Sinabi mo pa."

'Tsaka sila umalis at nauna nang maglakad sa amin.

"Narinig mo 'yon crush? Ang tapang ko raw. Ako lang 'yong nakaka-gawa nito sa crush ko," mahabang kong sabi sa kaniya.

"Matapang daw ang hiya mo," pambabara niya. Inirapan ko na lang siya saka ko siya ulit kinausap.

"Ayaw mo kase akong pansinin."

"Pinansin na kita."

"Pero blinock mo 'ko!"

"Para 'di ka na ulit mangulit."

"Anong hindi? Mangungulit ako ng mangungulit! Lalo na ngayon, blinock mo ako!"

"Bahala ka."

"I-unblock mo na kase ako."

Destined to be yours ᶜᵒᵐᵖˡᵉᵗᵉᵈWhere stories live. Discover now