ᴘʀᴏʟᴏɢᴜᴇ

283 19 4
                                    

ᴅᴇsᴛɪɴᴇᴅ ᴛᴏ ʙᴇ ʏᴏᴜʀs
ᵇʸ ᶜˢ

🇵 🇷 🇴 🇱 🇴 🇬 🇺 🇪 

"Hindi pa rin ako nakaka-move on sa ex ko," nakabasungot na pahayag ni Giselle.

"Paano ka makaka-move on? E, halos lahat ng picture niya nasa gallery mo pa rin! 'Yong conversation niyo sa fb 'di mo pa rin binubura tapos nag ba-back read ka pa! Pati 'yong cell phone number niya na sa'yo pa rin! Hayy nako Sel, 'wag ka nang mag drama nakakapagod na rin mag-advice sa'yo hindi mo rin naman sinusunod," napairap si Sarah sa kaniya dahil sa sobrang pagkairita.

Napanguso na lang si Giselle dahil sa kasungitan ng kaniyang kaibigan. Hindi naman niya ito masisisi dahil paulit-ulit na lang niyang bukang bibig ang kaniyang ex. Simula kasi noong maghiwalay sila ay hindi na muling nagparamdam sa kaniya ito. Ilang buwan na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin talaga siya nakaka-move on. Ginawa na niya ang lahat para makalimutan ito pero sad'yang hindi mawala-wala sa kaniyang isipan ang lalaking nang-iwan sa kaniya.

Napabuntong hininga na lang si Giselle at pinagpatuloy ang kaniyang pagkain gano'n din ang kaniyang kaibigan na si Sarah. Nandito sila sa canteen dahil break time nila, maraming mga estudyante sa loob ng canteen na may sari-sarili ding mundo.

"Bakit hindi na lang kasi si Charles? 'Di ba crush mo 'yon-- noon," biglang sabi ni Sarah.

"Besh, noon 'yon, fast is fast nga 'di ba? At saka, aaminin ko. Crush ko naman siya hanggang ngayon pero iba pa rin 'yong love, besh!"

"Gaga! Past is past 'yon!"

"Parehas lang 'yon, letter P lang ang na iba."

"Ewan ko sa'yo! Pero ikaw na nga mismo ang nagsabi niyan. Past is past! Kalimutan mo na kasi si Paolo!"

Destined to be yours ᶜᵒᵐᵖˡᵉᵗᵉᵈWhere stories live. Discover now