ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ᴛʜʀᴇᴇ

77 16 0
                                    

ᴅᴇsᴛɪɴᴇᴅ ᴛᴏ ʙᴇ ʏᴏᴜʀs
ᵇʸ ᶜˢ

🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷  🇹 🇭 🇷 🇪 🇪 

"Francis! Palit muna tayo ng upuan, dito ka muna sa tabi ni Sarah." Sabi ko kay Francis naabala sa pagsusulat. Bigla namang tumayo si Francis na walang sinasabi o reklamo kaya nagpalit na kami ng upuan. Alam ko naman na crush niya si Sarah kaya hindi siya tumatanggi pero biglang tumayo si Sarah at lumipat sa ibang bakanteng upuan at iniwan doon si Francis na nakabusangot.

"Crush," pabulong kong tawag sa kaniya.

Nagsasagot kase kami at umalis muna sandali si ma'am dahil may meeting daw sila sa office pero babalik din naman.

Hindi ako kinakausap ni Charles at nakafocus lang sa pagsagot. Parang timang din 'to, kahapon lakas ng trip, ngayon naman bumalik na sa pagiging tuod. Bipolar lang?

"Crush bakla ka ba? Kapag naglalakad ka kase ang lamya mo pero okay lang 'yon tanggap naman kita kahit ano ka pa," seryoso kong sabi.

Napaubo naman siya sa sinabi ko kaya nagtaka ako sa ginawa niya. May sakit ba siya?

"May sakit ka ba? Bakit ka umuubo?"

"Nasamid lang may sakit na agad?"

"Nasamid sa laway?"

"Oo, gano'n na nga."

"Pakopya naman ako."

Nakanguso ako sa harap niya habang nakapangalumbaba. Bumaling naman siya sa akin at tumingin nang ilang segundo sa nguso ko.

"Mukha kang susu, 'wag kang ngumuso 'di bagay sa'yo. Ang pangit, ang laswa."

"Grabe ka naman," malungkot kong sabi 'tsaka umayos nang-upo.

Hindi na niya ako pinansin at nag focus na lang sa pagsagot sa papel. Hanggang sa mag-uwian kami ako pa rin ang naglinis ng buong classroom pero sa pagkakataong 'to kasama ko na si Sarah at hindi na ulit nagpatay sindi 'yong ilaw. Mukhang may nantrip lang sa akin kahapon kaya namamatay at sumisindi 'yong ilaw.

Destined to be yours ᶜᵒᵐᵖˡᵉᵗᵉᵈWhere stories live. Discover now