ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ ғᴏᴜʀ

76 16 0
                                    

ᴅᴇsᴛɪɴᴇᴅ ᴛᴏ ʙᴇ ʏᴏᴜʀs
ᵇʸ ᶜˢ

🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷  🇫 🇴 🇺 🇷 

"Sabi na e, nanood ka talaga kahapon ng laban," hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi ko.

"Hindi naman talaga ako nanood. Nabalitaan ko lang, tingnan mo kaya 'yong GC natin," seryoso niyang sabi.

Biglang nawala ang mga ngiti ko sa labi at napalitan iyon ng lungkot. Hindi ko naisip 'yon ah? Hindi nga talaga siya nanood ng banda kahapon.

Tumingin ako sa wrist niya at wala na doon 'yong bracelet na ibinigay ko sa kaniya kaya mas lalo akong nalungkot.

"Nasaan na 'yong bracelet na ibinigay ko sa'yo?" tanong ko sa kaniya.

Tumingin naman siya sa wrist niya at na pansin din niyang wala doon 'yong bracelet na binigay ko sa kaniya 'tsaka siya nagkibit-balikat na parang hindi naman importante 'yon.

"Nahulog siguro."

Nangilid tuloy 'yong luha ko kaya napakagat ako sa ibabang labi ko 'tsaka ako lumabas ng classroom at pumuntang C.R at doon ko binuhos lahat ng sama ng loob ko para sa crush ko.

Hindi ako papayag na matalo dahil sisiguraduhin kong mafa-fall ka sa akin Charles! At kapag nangyari 'yon, ikaw naman ang maghahabol sa akin!

Hanggang sa mag-uwian at nakasalubong ko si Charles. Hinarang ko ang daraanan niya kaya napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa akin na nagtataka.

"'Di ba sabi mo hindi ka nanood?" seryoso kong tanong sa kaniya.

"Oo, hindi nga," walang alinlangan niyang sabi.

Ngumisi ako sa kaniya at kahit maraming tao ay hinila ko siya at ginawa ko 'yong sinabi ko sa kaniya no'n.

Hinalikan ko siya sa public.

Ang daming nakakita at ang daming nagbulungan. Alam kong ma-iissue na ako sa buong campus at alam ko rin na maraming mang hu-husga sa ginawa ko pero kung ito ang paraan ay wala na akong magagawa kundi tanggapin lahat ng judgment nila sa akin.

"B-bakit mo ko hinalikan?" gulat niyang tanong.

Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya 'tsaka ko siya sinagot at iniwan siyang tulala doon.

"Dahil iyon ang sabi ko sa'yo."

KINABUKASAN, ako ang laman ng balita sa campus. Marami akong natanggap na masasakit na salita tulad ng...

Malandi raw ako.

Destined to be yours ᶜᵒᵐᵖˡᵉᵗᵉᵈTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon