ELEVEN

115 39 40
                                    

"Mommy?" Hindi ako nagkakamali, nakita ko ang kaniyang mukha at sa paraan ng pag-lakad nito, alam kong siya 'yon. Hinabol ko ito, ngunit mahirap dahil sobrang daming tao ngayon sa Mall. "Mommy! Mince Belo!" Tinawag ko na ito sa tunay na pangalan niya baka sakaling huminto. Nabuhayan ako ng loob nang makita ko itong muli, ngunit hindi lamang siya nag-iisa. May kasama itong isang lalakeng nasa katandaan na at isang babaeng kaedaran ko.

Tinawag ko itong muli ngunit hindi ito lumilingon. Buong lakas kong tinakbo kung saan ito patungo, huminto ako nang papasok sila sa restaurant. "Mommy Mince!" Pag-tawag ko. Lumingon ito, at nagpatuloy sa paglakad ang kasama nitong dalawa kaya't siya na lamang ang naiwan sa labas. Pero parang may mali sa tingin nito, tila ba'y hindi niya ako nakikilala. "Mommy?"

"Who are you?" She answered me with no emotion. "Mommy, ako to, si Eira, anak mo." Naluha ako sa paraan ng pag-tanong nito.

"Hindi kita kilala, wala akong kilalang Eira." Umiling ako, hindi ako pwedeng magkamali dahil nakita ko ang braso nito, may tattoo'ng half moon. "Mommy, namiss kita." Bumagsak ng tuluyan ang nag babadyang luha, yumakap ako rito. Ngunit tinanggal niya ang braso ko, "Mommy? bakit?" tuluyan itong umalis. "Mommy!"




"EIRA! Gising Eira!" Nagising ako na may nag-aalog sa akin. "Eira, nanaginip ka." Napatingin ako kung sino ito,

Hyde?

"You're cryin' while saying mommy kaya ginising kita." Pinunasan nito ang luha ko at niyakap ako. Hindi ako kumawala sa yakap nito, nagsimulang tumulong muli ang luha ko. Mas nanaisin ko pang makita ko siya, kahit ipagtabuyan niya ako, basta alam kong buhay siya. "Shh, stop crying, bawal kang mai-stress." Mas naiyak ako dahil sa init ng yakap nito at mukhang mas panaginip pa ang Hyde na nakikita ko.

"G-gusto ko lang naman siyang m-makita eh. P-pag nakita ko siya p-pwede na akong mawala." I said between my sobs. Bigla kong nalimutan kung sino ito, kung ano ang ginawa nito.

"We will do everything para makita mo man kung sino siya." He patted me on the head. Napatigil ako sa pag-iyak.




"Hayop ka! Sino ka?" Tinulak ko ito.

I saw his genuine smile, for the first time. "I'm Hyde, your former boss and the father of our baby." he said softly. Natigilan ako. He looks different. Biglang sumakit ang ulo ko.

"What happened? I'll call the doctor." Natataranta itong tumayo, pumunta sa labas, biglang pumasok, tapos pinindot ang emergency button. Tinignan ko ito ng masama. "What?" frustrated nitong tanong.

"Hoy! You evil! Hindi mo ako madadaan sa ganto! Nasaan si Hyde?" Bigla itong napangiti, hindi ko naman matago ang ngiting gustong gumuhit sa aking labi dahil sa pinapakita nito.

Mas nakita ko rin ang ideal-man-look niya. Argh! No! Stop, eira!

Bumukas ang pinto at iniluwa ng Doctor. "How are you feeling right now?"

"Medyo sumasakit lang po ang ulo ko." I smiled at her.

"Ayan, you have to smile, para masaya din ang baby mo, like daddy." Nahuli ko itong nakangiti, pero agad ding umiwas ng tingin, na ikinatawa ko.

"These are the vitamins na kailangan mong inumin everyday. Advice ko lang ay iwas muna sa nakaka-stress na bagay, stay ka sa lugar na nakakapag-pagaan ng loob mo." Pinaliwag pa nito ang bagay na dapat ko pang iwasan at mga bagay na dapat gawin. "Always remember that every child is a gift from God." Lumabas na ito matapos bitawan ang salitang iyon.

Naiwan akong mag-isa dahil kinuha pa ni Hyde ang iba pang gamot at ointment na kailangan ko. Hindi ko naman agad pinatawad at mapapatawad si Hyde, pero nakita ko ang sensiridad nito sa kaniyang ginagawa. Naalala ko rin ang reaksyon ni Hyde kanina, tila nasaktan nung tinanong ko 'kung nakunan na ba ako. Alam kong mali, ano pang masamang nangyari ay kailangan kong tanggapin at mahalin ang laman nito.

"You want to sleep more?" He asked. Dala-dala nito ang mga bottled vitamins at ointment na nireseta ng doctor. Hindi ko ito sinagot, tinignan ko lamang 'sya.

"O-order na lang ako ng pagkain mo." He said in the awkward silence. "W-what do you want?" Napatawa ako sa pag-utal nito, ngayon ko lamang nakita ang ganitong side 'nya.

"What's funny?" Naiinis nitong tanong na dahilan ng pagtawa ko ng malakas. Hindi ko alam bakit tawa ako ng tawa. Weird.

"I knew it, sucks pregnancy." Bulong nito. Napakunot noo ko, ganoon ba pag buntis?

"Nasaan si Shen?" Tumingin ako sa paligid, naiwan ko rin pala ang cellphone ko.

"Pinag-pahinga ko na siya kanina pang madaling araw" Nakaramdam ako ng hiya rito. Gusto ko man siya papuntahin, kailangan niya pang mag pahinga. Ibig sabihin, si Hyde ay hindi pa nag papahinga? Tinignan ko ito, batid sa mata nito ang antok.

But, nah! kulang pa sa kanya yan! Papahirapan ko siya sa paraan ng alam ko. Pero pag-naalala ko ang sakit na dulot nito ay nakakaramdam pa rin ako ng takot, paano kung iuntog niya ako? paano pag saktan niya akong muli?

"What food do you want"Tanong nitong muli. I craved for santol at guyabano, garlic bread and coffee, etc. Naghihintay ito sa sagot ko.

"A-anong kapalit?" Alanganin kong sagot, medyo kinakabahan kasi ako lalo na kaming dalawa lang ang nasa silid na ito.

"Nothing, I just want you-- i mean the baby to be healthy." Hindi pa ako kontento sa sagot nito. "I know, it's hard for you to believe, but I did this for my child. I didn't expect for your forgiveness, but I'm sorry, sorry for what I've done." Napaluha ako sa sinabi nito. I don't know how to forgive and forget. Kung paano nito nagawa sa akin ang mga bagay na iyon, may kasalanan ba ako? May ginawa ba ako sa kaniya?

Sinubukan nitong punasan muli ang aking luha but I didn't let him.

"S-sorry. Just tell me kung anong pag-kain ang gusto mo, para makakain ka na. Sinabi din ng doctor na you have to rest atleast two days here." 2 days? with you? "Don't worry, papakiusapan ko ang kaibigan mo na siya na lang ang mag bantay at ako na bahala sa task niya sa office." Tumango na lang ako.

Sinabi ko rin naman ang gusto ko, at mukhang nag tataka ito dahil sa food combination na binanggit ko. Matapos nito mag-order ay umupo ito sa tabi ko at humikab.

"Sleep now."

"Where?" Yeah, where. I saw the long chair malapit sa window. Tinuro ko ito. "Sleep there, I'm fine." He nodded.

"I'll sleep, just give me 30 minutes and please, don't go."

Kahit gustohin ko man tumakas,


I can't, for the sake of this baby.

Hyde and I (SPG)Where stories live. Discover now