THREE

177 57 29
                                    

"LUNCH time na!" Sigaw nitong nasa kaliwa ko. Hindi naman ito pinansin nang iba at agad nagsipag alisan sa mga cubicles nila.

"Eira!" pangungulit nito. This is Shen, medyo ma-jubis but a very lovely person. Medyo awkward lang ito kausap dahil kahit may kalayuan ang distansya, ay laging tumatalsik ang laway.

It's been two weeks since nag work ako dito. Si shen lang ang kilala ko, actually ako lang ata nakatiis sa kaniya.

"Sige na Ers!" ers? may endearment agad ah. "Wait, tatapusin ko lang 'to." pag-rarason ko.

"Ilang beses mo nang sagot yan eh! Ers! tara na please." pag-mamaktol nito. Buntong hinga akong tumayo, kita naman sa mga mata nito ang saya.

"Kain tayo sa karinderya ng nanay ko, pero libre mo ah." kaya ka tumataba eh.

Palabas na kami nang nahinto ito at parang takot na takot na naka-titig sa sasakyan na itim.

"Bakit?"

"Yan si Sir Hyde, yung owner ng buong Brix Coffee. Basta 'wag muna tayo lalabas hangga't hindi pa siya nakakapasok." Batid sa pananalita nito ang pag-katakot. Nag-init agad ang dugo ko, panigurado'y isa rin ito sa mga nagawan ng kademonyohan nitong Hyde. Pinigilan ko na lang ang aking sarili dahil alam kong wala naman akong laban rito. Isa pa, kailangan ko nang pera.

Pumasok ito at tinatawag ako ng marahan ni Shen na pumunta sa gawi niya para hindi makita ng evil. Pero hindi ako nagpatinag at tumayo lang kung saan ito dadaan. Huminto ito sa harap ko at tinignan ako mula ulo hanggang, teka? aba'y bastos to ah! Agad kong nilagay ang dala kong bag sa aking dibdib, bilang pantakip. Tinignan ko lamang ito ng masama at naririnig ko pa rin ang pagalit na pagtawag ni Shen.

"Too little." He just smirked, again.

"You too." I replied while staring at his. Tumingin ito nang galit na galit, I smiled, kala mo ah. Umalis ako agad dahil kita sa reaksyon nito ang pagkapahiya, na kayang makapanakit.

"Ers!" ay may kasama pala ako? "My god! Anong ginawa mo?" Tumatakbong sambit nito.

"I just did something na sobrang deserve niya." Masaya kong paliwanag.

"Pero hindi mo kilala si Sir Hyde, diba sabi mo kailangan mo siyang makausap? Paano ka?" Napatigil ako.

Oo nga't kailangan ko pala siyang makausap regarding sa pag-alis ko after ko makuha ang isang buwan na sahod.

"Mag a-AWOL na lang ako."

"Nag-iisip ka ba? Di' mo ba nabalitaan-- ah oo nga dahil bago ka pa lang, pero yung last na gumawa niyan, pinakulong ni Sir Hyde." kulong? I failed again.

Nag-kekwento lang si Shen patungkol sa hayop na Hyde na yun. Hinahayaan ko lamang siya para mapag planuhan ko rin paano ko makakausap ito. Kailangan kong makausap siya bago matapos ang isang buwan na pagtatrabaho ko para magawan ng agreement kahit impossible.

"Ma! Si Eira to, ka-work mate ko! Lilibre niya raw ako!" masayang balita nito sa kaniyang ina na may suot na apron.

Hindi kalakihan at hindi rin kaliitan ang karinderya na ito, namamangha ako dahil kahit kubo ang style, malinis naman.

"Tawagin mo akong Nanay Karen, alam mo bang sa tatlong taon na nagtatrabaho yan si Shen namin ay ikaw ang unang ka-trabaho na dinala niya rito." Nginitian ko lamang ito at tumngin sa gawi ni Shen, nakayuko ito na tila nahihiya, nakaramdam ako ng awa. "Ano ang gusto mong kainin?"

"Kahit ano po, basta yung pinagmamalaki niyo rito." Tumango ito.

"Ma! torta ah!" pahabol ni Shen.

"Opo mahal na taba-- ay sexy!" nag thumbs up si Shen habang ngiting-ngiti. Hindi ko namalayan na tumatawa ako sa pinagagawa nila. "Sana all."

"Ha?" umiling ako. "Ano, Ers?" tinitigan ko lamang ito.

Makalipas ng ilang sandali'y hinainan kami ng nanay ni Shen ng Soup, Kaldereta, Baked Mussels at torta. "Wow, thank you po." Sobrang sarap, amoy palang.

"Hoy Ers! anong thank you? sagot mo yan ah!" binatukan ito ng kaniyang ina na dahilan ng hagalpak kong tawa.

Masaya kaming nag ke-kwentuhan habang kumakain. Na-ikwento nito na foreigner ang kaniyang ama na kita naman sa pag-kaputi nito.

Nang matapos ay agad kaming bumalik sa trabaho. Napansin ko sa mga ibang empleyado ay iba ang tingin sa akin ng mga ito. Bubulong at mamaya'y tataray. Hinayaan ko lamang, tutal aalis din naman na ako ilang lingo na lang.

"Miss Eira, follow me." Mr. Seth said.

Kinabahan ako bigla.

Hyde and I (SPG)Where stories live. Discover now