CHAPTER 34🌿✨ -No Pets Allowed

ابدأ من البداية
                                    

"Hi Miss Angeline! Lalo po kayong gumaganda."

"Miss Angge, nandito ka rin!"

"Wow supportive singing partner talaga as always!"

Ngiti lang ang isinagot ko sa kanila, masaya ako na naaappreciate nila ang presence ko.

Dahil ngayong gabi, iisa lang ang taong gusto kong maparamdaman ng tiwala at suporta ko dahil naniniwala akong kakayanin niya.

That amazing man who will own the stage once again. The man who I always look up to.

🎶Di ko kakayanin kung ika'y mawawala sa aking piling
Di ko kakayanin pag nalaman kong wala nang pag ibig sa akin🎶

While searching, I then heard a very familiar voice.

Napatingin naman ako sa lugar kung saan nanggagaling ang boses ng lalaking kumakanta.

Ngumiti ako at naglakad patungo sa isang bahagyang nakasaradong pintuan ng isang dressing room.

🎶Di kayang mag isa, gusto kasama kita
Sayo lang ang pag-ibig ko
Magtiwalang muli, ito na ang huling pagkakamali
Pag-ibig ko'y muling tanggapin. 🎶

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ngunit kasabay din nito ay ang paglingon niya sa direksyon ko.

Pero ang sarap niya lang talagang pagmasdan.

Nagtama ang aming mga paningin. Nang makita ko na siya, awtomatikong ngumiti kami sa isa't isa. Kahit nasa malayo pa lang alam na alam ko na na siya yun.

I paved my way towards him sa loob ng dressing room kung saan mag-isa lang siyang kumakanta.

Nakaupo siya sa isang mataas na silya, may hawak na mikropono at papel.

He's actually rehearsing.

Nang makita niya na palapit na ako sa kanya ay walang anu-ano ay binitawan niya ang hawak niyang papel at mikropono at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.

"God, sa wakas dumating ka na!" sabi niya

Natawa naman ako para namang hindi ko siya sisiputin.

Alam ko naman kung gaano niya pinaghandaan ang gabi na 'to at isa ako sa mga taong saksi sa lahat ng paghihirap niya kaya hindi ko 'to pwedeng palampasin.

"Hi Mr. Erik Santos, ang pogi naman po." nakangiting sabi ko at pinasadahan ng kamay ko ang dibdib niya.

Oh well, ang gwapo naman kasi niya sa suit and tie niya. Parang waiter charot.

"Weh yan tayo eh, chansing." natatawang sagot naman niya.

"Sira! Ang kapal mo ha, ako ba talaga?" nakataas ang kilay na sabi ko.

Okay in denial ako pero totoo naman. Ewan ko ba, mula noong magbuntis ako ay mas lalo akong napopogian sa kanya. Kinakabahan na nga ako, malakaa ang pakiramdam ko na walang makukuha sa akin ang anak namin dahil malamang ay kamukhang kamukha ito ng tatay niya.

Pero minsan din naman ay naiirita ako na makita siya. Minsan gusto ko lang siyang awayin nang walang dahilan. Siguro dala ng hormones? Baka nga.

"Ayos lang yan Love, alam ko naman na katawan ko lang ang habol mo eh." parang tangang sabi niya, "Pero alam mo, you also look gorgeous tonight. Bagay na bagay tayong dalawa."

Ayan nanaman, ngumiti nanaman siya aaaahhh di ko mapigilang hindi kiligin kaya hinampas ko siya para maitago ang kilig ko.

"Ready ka na ba?" kunyari ay seryosong tanong ko.

Secrets Beyond the Starsحيث تعيش القصص. اكتشف الآن