28

55 2 0
                                    

"Okay na 'yun. Siguro."

Friends. They were like pieces of jewelry, some are real, some are fake, its hard to identify all at once which one is the realist, but truth be told that as time passes by, you'll find out soon who's ready to be with you not just through your highs and lows but also when things get messy.

'Yon ang basis ko sa friendship. Ever since Timo, Luther, Ken, Vaughn, Carl, and I became a band in our junior year, that's when it hit me, they became my treasure. Never would've thought that I'll fit in into a band full of boys.

Possible pala talaga 'yun 'no? Na hindi sa lahat ng pagkakataon may mga lalake na ite-take for granted ka, babastusin ka, somehow boys who can make you feel secure still exist and no, they shouldn't be called boys, after all, they already have that quality of being a man.

"Anong iniisip mo? Nagde-daydream ka ba?" tanong sa'kin ni Carl habang tinatapik iyong pisngi ko. Napahawak tuloy ako doon pakiramdam ko ang laki-laki ng pisngi ko, nakanguso ako habang tinitignan iyong bandmates ko na nag-aayos ng platform.

"Wala, masaya lang ako kasi nandyan kayo para sa kalandian ko." Ginulo ko iyong buhok niya at umakbay sa kanya, agad naman niya 'yon tinanggal at tumingin sa'kin.

"Huwag mo 'kong ipahamak," aniya. Napakunot naman ang noo ko.

"Sira, friends lang naman tayo, hindi 'yon magseselos," sabi ko nang makuha iyong ibig niyang sabihin. Hinampas ko iyong braso niya.

"Kahit na," sabi niya sa'kin, kunyaring napipikon.

"Pero salamat talaga." Nakatingin ako kela Timo na abala talaga sa platform, nakita naman ako ni Luther na agad lumapit sa amin nang mahalata na mukha yatang seryoso ang pinag-uusapan namin.

"Wala 'to, wala pa naman kaming girlfriend kaya ikaw na lang muna ang aasikasuhin namin," sagot ni Carl sa'kin.

"So, enjoy it while it still lasts," dagdag naman ni Luther na naupo na sa kabilang tabi ko. "Hoy, ikaw naman ang tumulong doon," angil niya kay Carl na agad naman napakamot sa batok niya at umalis.

"Salamat din sa'yo kasi ayaw mong pabayaran 'tong bar na ire-rent ko for today," sabi ko kay Luther na tinawanan lang ako.

"Para ka namang iba." Siniko niya ako ng slight sa tagiliran.

Aba, baka sabunutan ko siya nang 'di oras kapag nilakasan niya.

"Sa tingin ko okay na 'yan," I commented. Bumaba na sa hagdan si Timo na may ikinabit na banner sa curtains. Kanina pa kami nanditong tanghali dahil konti lang naman ang aayusin namin, bale maglalagay lang kami ng banner tsaka nag-practice ng slight para mamaya.

Nandito kami sa third floor. May tatlong floor kasi itong PD-Haven. Sa groundfloor; andun 'yong platform kung saan nagkakaroon kami ng gigs, open mic, at mayroon din doon dance floor, sa second level; VIP couches, lastly itong third floor, kung nasaan kami ngayon.

Nire-rent talaga ito for intimate occasions, kagaya lang 'to nung groundfloor pero iba 'yung palettes. Sa baba kasi umiikot lang sa shades ng black, gray, and white pero itong nandito, shades ng brown at red. Minsan, tinanong ko kay Luther kung sinong nakaisip sa kabuuan ng bar nila kasi naa-amaze talaga ako sa sobrang modern niya tapos hindi pa nawawalan ng customers.

Sagot niya sa'kin, iyong mommy niya ang architect, kapatid ng mommy niya ang engineer, at pagdating sa interiors at iba pang bagay iyong kuya at daddy niya. Mas lalo akong na-amaze nang malaman ko na iba-iba ang career path ng pamilya niya. Pwede naman pala 'yun sa isang pamilya. Napatanong tuloy ako kung anong kukunin niyang course, sagot niya sa'kin plan niyang mag-polscie.

Holding On With Someday (Holding On Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon