18

54 2 0
                                    

"After all, hindi naman niya sa'kin ipinaramdam na rebound ako."

It's a long, long year since the last time I ever felt this happy. Sobrang sakit na nga ng panga ko kakangiti. Grabe, nakakamiss palang maging masaya, 'yung out of nowhere may maaalala ka na mapapangiti ka na lang bigla, 'yung pakiramdam mo para ka ng baliw sa sobrang saya mo.

'Yung ganong pakiramdam.

Pwede ko pa rin pala 'yun maramdaman. Pwede pa rin pala akong sumaya.

Though, hindi nawawala 'yung naho-hold back sa'kin na maging masaya, 'yung takot. Takot na isang araw, babawiin din sa'kin ng universe 'yung saya na nararamdaman ko ngayon at papalitan ng sakit at lungkot. Ganon naman talaga ang habit ng universe. Kapag masaya ka, asahan mo na agad na one day, may kapalit na lungkot.

Even if you wanted to live in the moment so much, there's always that fear na huwag. Ang hirap maging masaya sa totoo lang. Bakit kasi parang mas mahaba pa 'yung time period ng kalungkutan kesa sa kasiyahan?

Ang unfair talaga ng buhay.

"Let me carry that for you." Inagaw ni Calli sa'kin 'yung mga dala kong props para sa photo booth ng club namin. Day three na ng foundation week at madaling araw palang, nandito na kami dahil matagal-tagal din kaming magpe-prepare para sa mini fair.

Sa ngayon, papunta kami ngayon sa AVR dahil doon naka-pwesto 'yung booth namin.

"Nasaan na 'yung iba?" tanong ko kay Calli habang naglalakad kami.

"Nag-chat na ako sa group chat, ang sabi nila kakagising lang daw nila," sagot niya.

"Mabuti na lang pala walang nag-uwi sa kanila ng props, kung nagkataon hindi rin natin masisimulan mag-set up dahil wala sila."

"Ang galing mo kasing magbigay ng orders ma'am," Calli laughed.

It's true that I was the one who gave them orders yesterday since karamihan sa amin ay busy kahapon dahil halos senior high 'yung kasamahan namin sa club. Nasa kanila kasi yung isa sa mga huge event which is the literary fair. Though, kahit madalas akong wala sa paggawa ng props namin para sa photo booth, alam ko naman 'yung mga ins and outs ng activity na gagawin namin today.

Ang ayoko kasi talaga sa lahat, 'yung may naiiwan akong responsibility.

"Nga pala, tinatanong ni Tita kung kailan ka babalik dun," sabi ni Calli nang maibaba na niya 'yung mga props sa loob ng AVR.

"Kapag pupunta ka rin dun at free ako," sagot ko. Calli told me na umuuwi lang siya doon kapag walang pasok since meron siyang condo dito na malapit sa university. "I forgot to ask you yesterday, bakit nagwo-work ka sa coffee shop? I mean, ang tagal na natin nag-uusap pero never kong naitanong sa'yo 'yun."

He scratched his nape and looked at me. "Madalas kasi kitang nakikita na dumadaan dun, noon pa."

My eyes grew wider. Noon pa?

"What?"

"Napapansin na kita noong kaka-transfer niyo pa lang ni Grace dito sa PCU, tapos lagi ko kayong nakikita ni Grace na dumadaan dun bago kayo pumasok ng university. Since then, I found you interesting but I didn't push the idea lalo na nung maging close kayo ni Timothy at nalaman ko na gusto ka ni Vaughn," aniya. "I kept my distance from you sa loob ng university pero sa labas? Hindi." Napailing siya.

"I know it may sound that I'm hitting two birds with one rock pero nagtrabaho ako sa coffee shop to see you everyday kahit nililigawan ko nun si Nancy." Napalunok siya at umiwas siya ng tingin sa'kin. "When Nancy was starting to avoid me, I started to chat with you, though you already knew that."

Holding On With Someday (Holding On Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon