06

116 5 4
                                    

"Ewan, para kaming tanga."

"Tita?" I called. Kanina ko pa siya tinatawagan tapos ngayon lang siya nakasagot. Alam kong busy siya pero for Pete's sake. I really need to talk to her right now.

"Napatawag ka?" she asked.

"I want to ask you something," I breathed. Tita Rachel sounds so calm today and it bothers me like hell. I know she knows something at parang hinihintay niyang sa akin 'yun manggaling when in fact, sa kanya ko lang nalaman 'yon, and it makes me feel so nervous as fuck.

I mean, how could I possibly calm down with these irrational feelings?

"Oh?" she tries herself to sound surprise but failed to because I can sense that she is actually expecting this to happen.

I was about to tell her that I know what she's up to pero agad ko rin pinigilan iyong sarili ko.

"Kilala mo si Callixto?" I rather asked.

"Yes, kaklase mo raw siya," she paused, naririnig ko nanaman na may tumatawag sa kanya. Si Tita talaga, ang hilig mag-multitask. "I mean, kaibigan daw na ngayon e nagsabi sa'kin na..."

"Na?" Napahawak ako sa dibdib ko. Minsan naiisip ko, ito na ata talaga ang isa sa magpapalala sa sakit ko - nerbiyos.

"Wow, I feel so privilege anak. Sa akin talaga siya unang nagsabi?" 'di makapaniwalang tanong niya sa akin.

"Ang ano nga Tita?" I sighed, napapahawak na ako sa ulo ko. Pati ulo ko sumasakit na.

Which I don't know is good, I guess? Kesa naman iyong ulo ni Tita ang pinapasakit ko di'ba? Pero si Tita kasi, hindi agad sabihin!

Bago pa masabi ni Tita iyong sasabihin niya umupo muna ako sa gilid ng kama ko.

"Liligawan ka raw niya." Muntik nang mapasala iyong upo ko sa kama ko dahil sa sinabi ni Tita.

Shit.

Shit.

Shit.

Shit talaga. Hindi talaga siya nagjo-joke nung sinabi niya 'yun sa'kin? I mean, naghintay kasi ako na bawiin niya iyon o kaya sabihin niya sa'kin na joke lang 'yun. Naghihintay ako na gawin niya iyon pero it's been a week.

Totoo talaga?

Seryoso?

Ang awkward ko pa naman sa kanya sa nakalipas na isang linggo. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko, kung anong sasabihin ko - bigla na lang, wala na. Kapag andiyan siya, natataranta na ako sa mga dapat kong ikilos at sabihin. Ewan, hindi ko alam. Nabigla kasi ako talaga!

"Hello? Robin, nandiyan ka pa ba?" tanong ni Tita.

"Y-Yes Tita, ah-eh... ano naman isinagot mo?" tanong ko.

"Well, I told him it's fine," she answered.

"Iyon lang?" kunot noo kong tanong.

"Everything we talked about was... confidential. After all, it's for your own good. Isa pa, naiintindihan naman niya," she said.

Anong confidential ang sinasabi ni Tita? Sinabi niya kaya yung tungkol sa...

"Tita, did you tell him about my-"

"No, all your secrets is safe," pagpuputol niya sa sasabihin ko.

I calmed down a little bit pero naiintriga talaga ako sa pinag-usapan nila, parang gusto ko biglang i-hack iyong account ni Tita para mabasa kung ano man iyon. Since, sigurado naman ako na sa messenger sila nag-usap.

Holding On With Someday (Holding On Series #1)Where stories live. Discover now