Let me share to you the biggest realization that unveiled itself into my 2019:
We never lose our passion; we don't get bad at it either. We only stop believing in ourselves.
In the beginning (beningging haha) quarter of this year, I poured my heart out into a collection of 7 literary pieces that I thought of sending to someone I lost. I really kept it as though I would have the chance of giving it to him, and with the persistent belief that he was the only person who deserved to see this collection.
But I finally let go of that hope.
Now I realize that these pieces are too raw, too untainted, and [maybe] just enough of beautiful to deserve a place in this world. That possibly by sharing my humble creations, I can indirectly inspire aspiring artists like me to never stop believing in your self and passion no matter how many times you've lost your way.
Ikaanim
Hindi ka na sa akinTila kay hirap tanggapin
Parang ayaw ding marinig
Hindi ka na sa akin
Hindi na ako ang paraluman ng iyong mga ngiti
Hindi na ako ang dahilan sa pusong pumipintig
Hindi na rin ako ang nasa isip sa pagpatak ng ulan
Hindi na rin namamayani sa sistema mo ang pangalan
Hindi ka na sa akin
Hindi na pwedeng sa bawat paggising dibdib mo'y mahagkan
Hindi na pupwedeng sa pagkain ikaw ang kasabay
Hindi na maaaring sa pagtulog mo'y ibulong....
Hindi ka na kasi sa akin
Hindi na pwdeng dumaing sa sakit at hapdi
Hindi puwedeng ika'y sabihan na: mahal, ako naman
Lalong 'di pwedeng ipagsigawan: mahal, ako na lang
Hindi ka na magiging akin
Kaya ngayo'y puso ko'y nadadaghan
Ng pait, at pagsisisi, at ngiti na bigo
Sa pagkawasak ay ikaw ang hinahapuhap nito
Sana'y akin ka na lang muli
At sa pagkakataong ito'y hindi ka na pakakawalan
Sa bisig ko'y 'di ka na muli pang luluha
Sa tabi ko, rito ka, at hindi ka na iiwan pang muli
#
YOU ARE READING
Mi La Letra
PoetryIncarcerated are words--an ensemble of letters, an expression of you--hoping to fly. (A compilation of random poems.)