6.1: Marinela's POV

24 1 1
                                    

May munting lamig ang kumiliti sa aking palad. Mula roon ay inangat ko ang tingin sa langit.

Tila may buhay na lumandas ang mga yelo sa 'king paningin. Malaya silang sumasayaw sa ere, sumasabay sa awit ng hangin at dayuhang tunog.

Niyebe.

Ang totoo ay napakalayo pa ng nilakbay nila bago makatungo sa lupa. Ngunit kung titignan ay napakabilis lang na panahon ang ginugol para tuluyan silang bumagsak.

Minahal ko si Gio nang matagal, malalim, at sobra. Hindi biro ang mga pinagdaanan namin; pero sa ngayon, parang isang kisapmata na lang ang lahat.

Kayang dumaloy ng lahat ng alaala sa kaunting sandali. Ang maraming buwan ay nagiging isang minuto lamang sa aking isipan.

Bakit?

Dahil tapos na.

Nakakatawa na parang panaginip lang ang lahat. Na kung hindi lang dahil sa sakit na kumakain sa sistema ko ay maniniwala na 'kong imahinasyon ko lang ang mga nangyari.

Iniwan ko siya kahit na mahal pa rin namin ang isa't-isa. Paanong nagkakasakitan ang mga taong nagmamahalan? Paanong pinapaghiwalay ang dalawang pusong iisa ang tinitibok?

Paanong babalik kung alam kong ito lang din muli ang kahahantungan?

Sasaktan niya lang ulit ako. Hindi niya kayang ibigay ang lahat ng nais ko. Dahil ba sobra-sobra ang mga mithiin ko?

Humigit ba sa "tama lang" ang pag-ibig ko? Nagkulang ba ang aking mga pagpapagal?

O sadyang hindi lang talaga ako sapat upang ibigay niya ang sarili niya nang buo?

Pinukaw kong muli ang mga mata sa niyebe.

Kapag bumagsak na, hindi na sila muling makakaangat pa. Hindi na sila pwedeng bumalik sa dati.

(Note: Yes, I originally posted RANDOM poems related to Gio and Marinela here before their voices became too loud that I just had to publish a literary piece of their own. You can read their hearts in "Immaterial")

Mi La LetraWhere stories live. Discover now