Chapter 23: Are you sulking?

106K 1.3K 26
                                    

A/N: So hi Guys! Here I am! So, alam niyo naman yung sitwasyon ko diba kaya every Saturday lang ako nag-uupdate diba? Alam niyo naman kung gaano ako kabusy na tao diba o gaano kahectic yung schedule ko kaya sana yung mga iba na hindi pa alam intindihin niyo na lang po ako okaya sana intindihin niyo na lang po ako. :) So, HAPPY 100K reads Guys! Natutuwa po ako kasi madami pa rin po nagsusubaybay yung story ko at happy 1K votes! Sana patuloy niyo pa rin suportahan yung story ko. At wait there's more....Hihihihi! By next week may iaanounce po ako kaya stay tuned Guys!

STEPHEN'S POV

Pagkagising ko ay bigla agad gumanda ang araw ko paano ba naman una nakita ko ay ang mala-anghel na natutulog na mukha ni Lucky. Gusto ko siya yakapin o halikan pero baka magising eh.

Totoo yung sinabi ko sa kaniya kahapon na baka hindi ko maibalik yung pagmamahal niya ng ganun ganun lang kasi kailangan ko rin ng oras para matanggal sa sistema ko si Vivienne. Oo, umaasa at naghihintay pa rin ako kay Vivienne sa pagbalik niya kasi alam ko may rason naman siya kung bakit umalis siya at lumipat ng ibang bansa. Hindi ko magagawa na hanapin ng patago si Vivienne dahil kay Lucky kasi.....Haish! Kalimutan na muna natin yun. Si Vivienne lang naman yung unang babaeng na minahal ko ng buong puso at wala na akong pake sa iba diyan kasi alam ko sa sarili ko na parang buhay ko na si Vivienne na kapag wala siya sa tabi ko ay hindi na ako makaconcentrate kaya nga nung kami ni Vivienne nung college kada oras ay tinetext ko siya kung nasaan siya o kung ano ginagawa niya. Oo, sabihan niyo na ako corny o kaya makulit pero wala eh umiibig ako noon. 

Totoo rin naman sinabi ko sa kaniya kahapon na itatry ko talaga na ibalik yung pagmamahal niya sa akin kailangan lang talaga ng oras. Gusto ko kasi kapag umibig ako isa lang at hindi dalawa. Madali lang naman mahalin si Lucky eh pero para sa akin hindi ako karapat dapat sa kaniya. Oo, baka nga dati galit na galit ako sa kaniya dahil siya ang may kasalanan kung bakit kami naghiwalay ni Vivienne pero may rason naman si Lucky at iyon ang hindi ko pa alam. Di ko naman matanong sa kaniya nung nakaraan na dalawang taon na magkasama kami bilang mag-asawa kasi kapag nakikita ko yung mukha ni Lucky nagagalit agad yung buong sistema ko sa kaniya kaya nga umiiwas nga ako o kaya nagdadala ako ng mga babae para lang may umagaw sa attensyon ko. Oo, ang gago ko diba? Ganun ako eh ano magagawa niyo? Pero ngayon hindi na ako masyado galit kay Lucky kasi nga diba kakasabi ko lang na baka may dahilan siya at baka nga sa ikakabuti ko iyon.

Tiningnan ko ang relo ko kung anong oras na at 7 na pala ng umaga. Pagkatapos kong tingnan ang relo ko ay biglang nagvibrate yung cellphone ko sa side table kaya kinuha ko ito. Binuksan ko at may message pala ako. Chineck ko kung sino.

From: Gio

Huy brad! Walang hiya ka di ka man lang nagsasabi na nandito ka sa Zambales kasama yung asawa mo. Baka nagkakalimutan na tayo ah! 

Loko to ah! Umagang umaga pero paano niya nalaman na nandito kami ni Lucky?

To: Gio

Hoy! Paano mo nalaman na nandito kami? 

From: Gio

Ano ka ba dude. I have my resources! Hindi pa ba uso iyon? So, kayo pala ni Vivienne ang magkakatuluyan in the end eh. 

Akala niya ata kami ni Vivienne ang ikinasal nitong loko na ito! Hindi naman kasi gaano kagrande yung kasal namin ni Lucky at gusto ko lang naman kasi noon na kami kami lang kasi hindi ko naman kasi masasabi na kasal iyon.

To: Gio

Hah! Sorry to dissapoint you brad pero hindi si Vivienne yung napakasalan ko, iba. 

A Wife's SufferWhere stories live. Discover now