Chapter 41: Treat in the Cafe

95K 1.3K 64
                                    

A/N: So hindi po natupad na kahapon dapat ako mag update nito so bilang pambawi ngayong day po ako mag uupdate. Uhmmm... Parehas po rin po 2 update for this day. Uhm... Guys, next week po ay mawawala po si Ms. Author kaya ibig sabihin lang nun ay hindi po makakapag update si Author kasi po ay 4th Quarter Exam na namin po tsaka gusto ko rin naman po na makafocus sa studies kaya please intindihin niyo na lang po ako para sa future ko rin po iyon. :) So here's the next chapter.

LUCKY'S POV

From: Ms. Shanice

WHERE ON EARTH ARE YOU LUCKY?! 

Yan ang nakasabi sa cellphone ko kaya ngayon ay nagtatakbo na ako kung saan yung place na imemeet namin ni Ms. Shanice. Nakita ko na malapit na ako kaya bago pa muna ako pumasok ay inayos ko na muna yung sarili ko at nang nasigurado ko na maayos na ako ay pumasok na ako.

Ngayon ay nasa cafe ako at tinitingnan ko kung nasaan si Ms. Shanice. Nang natagpuan ko na si Ms. Shanice ay lumapit na ako sa table nila. Nakita ko na nakatalikod yung kliyente ni Ms. Shanice kaya hindi ko pa siya nakikita. Nang nasa table na ako nila ay humingi na ako ng paumanhin kay Ms. Shanice at humingi na rin ako ng paumanhin rin sa kliyente pero nakita ko na nagbabasa siya ng mga papeles na relate iyan sa projet ng kompaniya ni Ms. Shanice.

"Umupo ka na Lucky." sabi sa akin ni Ms. Shanice kaya ako naman ay umupo na sa tabi ni Ms. Shanice at kaharap ko ngayon yung kliyente niya. 

"Ilista mo yung mga sasabihin niya Lucky." bulong sa akin ni Ms. Shanice kaya ako naman ay kinuha ko na yung notebook ko at ballpen. Niready ko na yung sarili ko para sa sasabihin nung nasa harap ko ngayon.

"So how's the proposal Mr. Alvarez?" tanong ni Ms. Shanice. Ako naman ay nanigas sa kinauupuan ko at parang nafreeze yung pagkakahawak ko ng ballpen. 

"Uhmm...I think it's good." nang marinig ko iyong boses na iyon ay napaharap ako sa harap ko at nakita ko na nakangiti siya sa akin na nakakaloko. Tiningnan ko si Ms. Shanice pero seryoso pa rin siya. Tumingin si Ms. Shanice kay Stephen at

"But why? Paano mo nasabi na sa tingin mo ay mabuti lang? Hindi ba pwede sure na?" tanong ng seryoso ni Ms. Shanice kay Stephen pero si Stephen ay nakatingin pa rin sa akin at nakangiti pa rin. 

"Hindi naman sa ganun Mrs. Cruz, may konti lang kasing problema at ayaw ko dito sa proposal na binigay mo sa akin." sabi ni Stephen kay Ms. Shanice pero yung tingin niya ay nasa sa akin kaya ako naman ay tumungo na lang at nanginginig na sinusulat ko yung sinasabi niya. Nakakatakot na baka matanggal pa ko sa trabaho.

"Oh then what are the probl--- Excuse me." sabi ni Ms. Shanice kay Stephen. Nakita ko na sinagot ni Ms. Shanice yung tawag at nakikita ko na tumayo siya at lumayo sa amin. Patay! Nakita ko na kinuha ni Ms. Shanice yung bag niya at lumabas ng cafe pero kinakausap pa rin niya yung nasa cellphone niya. Ano ito?! Iiwanan niya ako dito?!

Hay...Wala rin ako magagawa kasi hindi ko naman sinabi na kasal ako at kasal ako kay George Stephen Alvarez. Tiningnan ko ulit sa labas kung nandoon pa rin si Ms. Shanice at nagpapasalamat ako na nandoon pa rin siya. 

"Hrm!" tumingin naman ako sa harap at nakita ko na nakatingin siya sa akin. Ngayon ay uneasy ako sa pwesto ko ngayon kasi kaharap ko siya. 

"How are you, Mrs. Alvarez?" tumingin ako sa kaniya at nakikita ko na naman yung nakakaloko niyang ngiti. Pinagtatawanan ba niya ako? 

"Hindi po Mrs. Alvarez ang pangalan ko Sir." sabi ko sa kaniya. Akala niya gusto ko marinig yung pangalan na iyon?

"Oh okay Mrs. Lucky Evangelista Alvarez." biglang tumalbok yung puso ko nung binanggit niya yung buong pangalan ko kasama rin yung surname niya. Lucky wag ka magpadala! Huminga ako ng malalim at nung mag-eexhale sana ako ay 

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon