Chapter 43: Love Confession

98.9K 1.1K 83
                                    

A/N: Oh! woah! Nakita ko na yung mga comments niyo guys kay Lucky. Hay... feel ko ganun talaga yung nasa utak ni Lucky o kaya natrauma lang talaga siya guys. :( Intindihin na lang natin siya. :) So here's the next chapter.

LUCKY'S POV 

"Lucky."

"Lucky."

"Lucky!" bigla akong nagulat at bumalik sa realidad dahil sa pagtawag sa akin ni Andrei. Nakita ko na nakagreen na ang ibig sabihin ay "Go" na kaya pinaandar ko na ito bago pa may bumisina sa likod namin.

"Talaga bang okay ka na ba Lucky?" tanong sa akin ni Andrei. Hindi na lang ako sumagot dahil wala pa ako sa huwisyo at iniisp ko pa rin yung nangyari kanina. Masyado ko na ba sinaktan si Stephen? Eh sa palagay ko naman wala pa sa dinaranas kong sakit nung magkasama pa kami sa bahay.

"Hay...Lucky please magsalita ka naman. Ayoko naman na makita kita ng ganito." sabi sa akin ni Andrei. 

"Sorry nga pala Andrei kanina." sabi ko sa kaniya dahil 3 days pa lang siya doon sa Laguna ay pinapunta ko pa siya doon sa resort na iyon. Nalaman kong malapit lang pala kami sa Laguna pero nakakahiya pa rin kasi dapat nandoon siya sa cover area nila kasi kailangan siya doon at importante.

"Okay lang atleast may pumalit agad muna sa akin pero next week ay ako na magtatake over." sabi niya sa akin. 

"Sorry ulit pala Andrei sa inasal sa iyo ni Stephen." tumingin sa akin si Andrei at umiling tapos ay napabaling siya sa bintana.

"Okay lang, asawa mo pa rin naman siya eh tsaka kung ako naman siya eh ganun rin yung mararamdaman ko." sabi niya sa akin.

Pagkatapos non ay tumahimik na lang ulit kaming dalawa at parang nagkakaintindihan kami na wag na muna pag-usapan iyon. Pagkadating namin sa condo ay lumabas na akong sa sasakyan at nung tutulungan ko na si Andrei ay

"Kaya ko na ito Lucky, hindi naman masyado masakit yung pagsuntok sa akin ni Stephen." sabi niya sa akin pero tumanggi pa rin ako pero in the end ay siya pa rin yung bumaba sa sasakyan niya. 

"Andrei pwede ba kahit ako na gumamot sa mga sugat mo?" tanong ko sa kaniya pagkababa niya at pagkapindot ng susi ng kotse niya para ilock. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin at kahit ako ay naawa ako sa kalagayan niya dahil namamaga yung mata nito at yung parte ng mukha niya. Kahit pakiramdam ko ay masakit sa kaniya ngumiti ay ngumiti naman siya at tumango.

Habang papunta kami sa unit ko ay inaalalayan ko siya. Pagkapasok namin sa unit ko ay pinaupo ko siya at kinuha ko yung first aid kit sa kwarto ko at bumalik na ako sa living room. Pagkaupo ko ay sinimulan ko na gamutin yung mga sugat niya sa mukha. Habang ginagamot ko yung mga sugat niya ay nakatingin siya sa akin.

"Lucky, namamaga pa rin yung mga mata mo." sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya at

"Mawawala rin yan." pagkatapos kong sabihin iyon ay ginamot ko ulit yung mga sugat niya.

"Lucky.....mahal mo pa ba siya?" pagkasabi niya iyon ay napatigil yung paggagamot ko sa kaniya. Nang mahimasmasan ako ay pinagpatuloy ko na lang ulit yung paggagamot ko.

"Sino ba iyon Andrei? San mo na---" 

"Lucky maging seryoso tayo dito. Alam mo naman kung sino iyon diba?" tanong niya sa akin. Tinigil ko na muna yung paggamot ko sa kaniya at tumayo na muna ako at pumunta sa kitchen pagkatapos ay kumuha ako ng yelo sa ref at nilagay ko iyon sa isang lalagyan na ang itsura ay supot at bumalik na ulit ako sa living room at binigay ko sa kaniya.

A Wife's SufferTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon