47 - Kolehiyo

23 0 0
                                    

Kolehiyo


Hinabi ka ng panahon

Simula pagkabata hanggang ngayon
Ilang hatak, ilang tulak
Ilang lusot, kayod, hirap

Ilang sugat na ang natamo
Ilang bala na ang sinalo

Daig mo pa Si Rizal sa pagkamartir mo
Tingin mo, sasaya ka sa dulo?

Teka! Sandali! Hinto!
Humarap ka sa'kin ng taas noo
Kulubot man ang balat, ito ay tanggap ko

Hawak ko na ang diploma na bunga ng paghihirap mo.
"Salamat..." tanging nasambit mo.
Kasabay ng luha na nagmumula sa mga pagod na mata mo.

-Ee-jay

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Creations (Poems, Quotes, Essays, Advices and more)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon