42- An Open Letter for One's Self

124 3 0
                                    


An Open Letter for One's Self

Most of us always complain when we are feeling any pain. It's logical though because who would not?

Pain, hurt, hatred? They are all part of life. It's just up to you how to deal with them.

Nakakainis sa pakiramdam na nasasaktan ka kahit ayaw mo naman masaktan. Right? Two things: Nasasaktan ka kasi may nanakit sa'yo or nasasaktan ka sa sarili mong kagagawan.

Yung nasasaktan ka kasi may nanakit sa'yo, common na 'yan e. Hindi na mawawala 'yan kasi marami talagang tao sa mundo na sasaktan ka ng todo. Yung tipong para kang bawang na dikdikin hanggang sa maging pinong-pino. Kaya ngayon, ikaw naman si tanga, iiyak. O diba, common na? Kaya let's focus sa isa pa.

NASASAKTAN KA SA SARILI MONG KAGAGAWAN. Ito yung tipo ng pain na ikaw na ang may kasalanan. Tapos ang una niyan, denial ka pa. Malamang! Sino ba naman ang magnanakaw na umamin na magnanakaw siya? Parang ikaw lang! Alangan naman na umamin ka na kasalanan mo talaga.

After denial, marerealize mo ngayon na "Ah! Ang tanga ko! Kasalanan ko nga! Bakit kasi hinayaan ko na mangyari 'to?!" Ito na yung moment na todo sisi ka na naman sa sarili mo. Yung tipong kapag mag-isa ka tapos naiisip mo yung mga nangyari, masasampal mo na lang yung sarili mo. Aba! Dapat lang! E ikaw may kasalanan kung bakit nasasaktan ka e! Edi awayin mo sarili mo! It's like getting a hammer para ipukpok sa sarili mong ulo.

After realization, emo days. Ito yung mga araw na babad ka sa mellow musics. Yung mga malumanay na kantang tatama sa'yo bawat lyrics. Yung tipong daig pa nila yung bala kasi parang pinapatay ka sa sakit. Tapos iiyak ka na lang ng iiyak kasi ayaw mo na maramdaman yung pain. Ang tagal nito jusme! Mga ilang araw ka rin magdadrama tapos kapag kinareer mo, sasamahan mo pa ng hindi pagkain. Aba! Hindi 'yan tama uy! Masakit na nga emotionally, baka gusto mo madamay pati health mo.

PERO TANDAAN! Hindi lang dapat sa emo days maiiwan! Aba ateng/kuyang! Move on din! When I say move on! Gawan mo ng aksyon yung maling ginawa mo. Don't just cry there and waste your life. Breath in, breath out and do your plan! Live your life!

-Ee-jay

My Creations (Poems, Quotes, Essays, Advices and more)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon