16- Isang katanungan

499 13 3
                                    

16

Nagkaroon kami ng lesson at napadpad sa isang tanong..

"Kung ikaw ang papipiliin, susundin mo ba ang kagustuhan ng nanay mo na mag pari ka at maiiwanan mo ang taong mahal mo, o ipaglalaban mo siya at hindi mo susundin ang nanay mo?"

Sa isang tanong, maraming sagot ang lumabas..

"Susundin ko yung nanay ko. Sabi nga nila, 'Mother knows best' "

"Para sakin hindi ko iiwan yung mahal ko. Ipaglalaban ko siya."

"For me, magulang muna. Kasi ang mga kasintahan, marami niyan. Pero ang nanay, nag-iisa lang yan."

"Ako, kalahating oo at kalahating hindi, oo kasi magulang ko yun at minamahal at nirerespeto ko sila. Kalahating hindi naman, kasi kung susuko agad ako at hindi lalaban, pano nalang yung pagmamahalan namin?"

Iyan ang mga sagot ng classmates ko. At ito ang sagot ko.

"Para sakin, isang malaking HINDI. Hindi kasi ako tumingin sa matter about the family. Para kasi sakin, hindi ka pwedeng mag pari ng hindi bukal sa loob mo. Kung magpapari ka tapos hindi mo naman gusto, parang wala lang. Hindi mo kasi mai-dedeliver ng maayos yung words ni God kung hindi galing sa puso mo. Commitment kasi ang pagiging pari. At isa pa, bakit ko papakawalan yung taong mahal ko? Pano kung siya na pala yung THE ONE tapos pinakawalan ko pa diba?"

Kayo, ano ang sagot niyo?

-Ee-jay

My Creations (Poems, Quotes, Essays, Advices and more)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon