CHAPTER 10

1K 43 0
                                    

ZIZY POV

"Zizy," tawag niya sa pangalan ko. Hindi ko na napigilan ang luha ko na patuloy na umaagos mula sa mata ko.

I miss him, i really miss his voice.

Hindi ko siya pinansin, nanatiling nakayuko ang ulo ko. Hindi ko siya kayang tignan, baka kapag nakita ko siya ay magbago ang desisyon ko. Baka maging marupok nanaman ang puso ko.

"Zizy, please listen to me. I want to tell you something, this is a serious matter Zizy!" lumapit siya sa akin pero pilit kong dinistansya ang sarili ko sakanya.

Ayoko nang marinig ang sasabihin niya sa akin, tapos na kami!

"Wala na tayong dapat pag-usapan, Zack!" sigaw ko sakaniya. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya, agad akong umalis sa lugar na 'yon at iniwan siya.

Hindi ko alam kung bakit siya andito, kung anong ginagawa niya dito at ano ang pakay niya sa akin pero wala na 'kong pake doon. Tapos na kami at wala na dapat pa kaming pag-usapan. Akala ko handa na kong makita siya ulit pero hindi pa pala. Hindi pa pala kaya nang puso ko.

Naglakad ako papunta sa field, gusto kong mapag-isa, gusto kong ikalma ang sarili ko mula sa naging tagpo namin kanina at gusto kong kalimutan muna 'yon. Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko at naghanap nang pwede kong upuan. May nakita akong malaking puno sa pinakadulo nang field kung saan walang masyadong tao. Linapitan ko 'yong puno at umupo sa bermuda grass, sinandal ko ang likod ko dito at pinikit ko ang mata ko. Sobrang init ngayon at tirik na tirik ang araw dahil tanghaling tapat buti na lamang at mahangin dito sa kinauupuan ko. Sobrang tahimik nang lugar na ito, malayong-malayo sa maingay na paaralan sa harap nito.

Si Zack ay ex-boyfriend ko, my puppy love. Grade seven palang ako no'n noong naging kami at tumagal kami nang two years. Our relationship is almost perfect, hindi kami masyadong nag-aaway, kung mag-away man kami ay nagkakabati agad at naayos namin ang problema. Mahal na mahal namin ang isa't isa.

Si Zack ang taong pinakaminahal at pinaka inalagaan ko sa buhay ko because he is the one who always there for me. May mga times na parang sakanya na umiikot ang mundo ko kahit na sa mura naming edad.

Akala ko sobrang perpekto na nang relationship namin pero no'ng nag grade 9 kami ay nagbago ang lahat, nagbago si Zack simula nang mamatay ang kaniyang mga magulang.

There was a time na hindi niya ko pinapansin, umabot pa sa punto na napagbubuhatan niya ko nang kamay, binubugbog niya ko, at nambababae siya mismo sa harapan ko para ipakita na hindi na niya ko mahal pero tiniis ko 'yon because I really love him and I don't want to lose him that time.

Ganun pala talaga no, kapag mahal mo 'yong isang tao titiisin mo lahat nang sakit 'wag lang siya mawala sa'yo, 'wag ka lang niyang iwanan.

Tiniis ko ang lahat nang sakit, pilit ko no'ng kinukumbinsi ang sarili ko na 'wag iwanan si Zack dahil kailangan niya ko, kailangan niya nang karamay, kailangan niya nang sasandalan at kailangan niya nang taong magmamahal sa kaniya.

Akala ko no'on matitis ko lahat nang ginagawa niya pero hindi pala, nakakapagod din palang ipagsiksikan 'yong sarili mo sa taong ayaw na sayo. Nakakapagod din palang ipaglaban 'yong relasyon niyo na wala nang saysay, 'yong feeling na ikaw na lang 'yong lumalaban dahil 'yong pinaglalaban mo ay sumuko na, sinukuan ka na.

Hindi pa man ako nakikipag break no'n kay Zack ay bigla na lang siyang nawala, bigla na lang siyang hindi pumasok sa school at hindi na nagpakita. Pinupuntahan ko siya no'n sakanila para sana kausapin siya nang maayos, makipag break sa kaniya nang maayos pero hindi niya ako hinaharap, inuutusan niya lang ang mga kasambahay nila na paalisin ako. Parang dinudurog ang puso ko that time dala nang pagmamahal ko sa kaniya. I don't know what his reason, bakit niya nagawa sa akin 'yon pero wala na akong pakielam kahit ano pang rason niya dahil kung talagang mahal niya 'ko hindi siya gagawa nang bagay na ikakasakit nang damdamin ko.

KERES ACADEMYWhere stories live. Discover now