CHAPTER 23

1.3K 39 3
                                    

ZIZY POV

"The next pair is Zhailexah Keith Buenaventura from Black Dragon Vs. Rhaica Natingor from Blue Warriors." anunsiyo ni Resty.

Automatikong napataas ang ulo ko nang marinig ko ang pangalan ni Zhake na ngayon ay paakyat na sa stage. Tinignan ko ang bawat hakbang niya, ibang-iba ang awra niya ngayon. Kita ko sa mukha niya ang abot taingang ngiti na sa tuwing ginaganahan lang siyang makipaglaban mo makikita. Ngayon ko na lang ulit nakita 'yon sa tagal kong hindi siya nakita makipaglaban. Hindi ko maiwasang na kabahan at maexcite mapanood si Zhake. Alam kong kayang-kaya ni Zhake na pabagsakin si Rhaica kahit na mas matangkad at mas malaki ang katawan nito sa kaniya. Minsan ko na siyang nakalaban nang trainor pa namin si Master Shwin Ha at masasabi kong she's really great. Madalas niya 'kong matalo pero mas malakas pa rin ako sa kaniya.

Tinignan ko kung ano ang kinuha niya sa lamesa kung saan nakalagay ang iba't-ibang uri ng weapons like knives, guns, bows and arrows etc. Dagger ang napili niya gano'n din ang kay Rhaica, ayon lang kasi ang madaling gamitin ngayon, you can't use gun here kahit na may mga baril na pagpipilian. I think the gun was for us, the black dots.

"Kinakabahan ako para kay Zhake!" ani ni Hazel. Habang nakapikit ang mata na parang ayaw niya panoorin ang laban ni Zhake.

Tsk, kanina lang kung makapag cheer akala mo parang wala ng bukas tapos ngayon takot na takot.

"Si Zhake nga hindi kinakabahan ikaw pa kaya duuh!" Irap ni Aeyesha sa kaniya. "Don't worry Hazel, I know Zhake she's well trained." mayabang na dugtong nito na sinang-ayunan ko naman. Pinakinggan ko lang sila.

"Talaga? Well, halata mo naman eh. Napakasungit pa naman ng awra niya mukhang palaban ang lola mo." Napataas na lang ako ng kilay ng dahil sa pagbabago ng mood niya.

May sapi talaga 'tong isang 'to!

"Baliw!" sigaw ni Aeyesha sa kaniya pero hindi niya iyon pinansin dahil nagsimula nanaman siyang magcheer na akala mo walang bukas.

"Go Zhake, Go Zhake ang sexy sexy mo! Huwag kang papatalo girl, kahit masungit ka friend pa rin tayo! Kahit hindi mo ko pinapansin!" sigaw niya. Napatingin sa kaniya lahat ng estudyante dahil sa lakas ng boses niya. Parang ako naman ang nahiya dahil sa ginagawa niya.

"Hindi po namin kaibgan 'yan!" sigaw ni Aeyesha na nahihiyana rin sa ginagawa ni Hazel na patrang baliw na kumekendeng habang binabanggit ng paulit-ulit ang cheer niya. Tawa naman ng tawa sila Conrad at Mikhail, gano'n din si Fritz sa likod ko.

Hindi ko na pinansin si Hazel, napakaingay niya. Tinignan ko muli si Zhake, hindi mawala ang ngiti niya sa labi na parang handang pumatay ano mang oras, habang hawak-hawak niya ang dagger na halos baliin niya na dahil sa higpit ng pagkakahawak niya dito.

"Fight!" sigaw ni Resty na emcee na ngayon.

Nagsihanda silang dalawa, nagbow muna sila sa isa't isa bago magsimula.

Iwinawasiwas ni Zhake ang dagger niya habang lumalapit kay Rhaica. Pilit naman si Rhaica'ng umiiwas sa kutsilyo na hawak ni Zhake. Ganon lang ang naging position nila. Hanggang sa biglang sumugod si Rhaica kay Zhake at sinunggaban siya ng saksak pero nakaiwas siya. Tinadyakan niya sa tyan si Rhaica kaya napalayo ito sa kaniya at napahiga dahil sa force na binigay ng sipa niya sa tyan nito. Namilipit si Rhaica sa sakit.

Hindi nagsayang ng oras si Zhake dahil lumapit agad siya kay Rhaica. Inupuan niya ito sa tyan at pinagsusuntok. Nagtalsikan ang dugo niya at halos manghina dahil sa sunod-sunod na suntok ni Zhake na ibinigay sa kaniya. Pilit itong lumalaban pero hindi nito magawa. Hanggang sa hindi napansin ni Zhake na naabot na pala ni Rhaica ang dagger nasa sahig na tumilapon sa kaniya nang napahiga siya. Agad niyang sinaksak si Zhake sa braso kaya napasigaw ito sa sakit umagos ang dugo sa kamay niya. Pero pilit niya itong hindi ininda. Inagaw niya ang kutsilyong hawak ni Rhaica. Nahirapan siyang kunin 'yon dahil pilit siyang sinasabunutan ni Rhaica gamit ang kaliwang kamay nito.

KERES ACADEMYWhere stories live. Discover now