CHAPTER 3

1.5K 61 7
                                    

Zizy POV

Hindi ko alam kung ilang minuto o oras akong natulala dahil sa pagkabigla kanina nung pukinanginang halik nang hindi ko kakilalang nilalang.

Kapal ng mukha ng lalaking 'yon! Makita ko lang talaga ulit siya malilinktikan siya sa akin! Arrrgh!

"Galit na galit ustung manakit?" sinamaan ko nang tingin si Hazel na ngayon ay busy pa din sa paglandi kay Mikhail.

"Kung saktan kaya kita diyan!" asar kong sigaw sa kanya.

Kasalanan talaga 'to lahat ni Hazel eh kung hindi niya ko pinatawa edi sana hindi 'to nangyari. Bakit siya pa kasi napagtanungan ko sa dami nang estudyante dito. Edi sana kung iba 'yon, hindi ako nahalikan at hindi mamomobrelema ang isip kong mag-isip ng mga bagay kung paano mahahagilap ang lalaking walang hiya!

"Eto naman 'di mabiro. Sana pala ako nalang tumawa para ako nalang neheleken. Nepeke pege niya be, serep lips niya?"

Jusmiyo, ano ba 'to alien. Natatakot na ko sa kanya kaloka.

"Sana nga ikaw nalang." inismidan ko nalang siya at hindi pinansin nang makita ko na dumating na ang tagapagsalita dito sa orientation.

Buti naman at dumating pa siya.

"Good afternoon, newbies! It's been a long year noong magkaroon muli kami ng bagong estudyante dito, I know na aware naman kayo kung bakit?" tumigil siya sa pagsasalita at tinignan kami kung alam nga ba talaga namin.

Actually, hindi ko talaga alam. Brief history lang ang kwinento sa akin ni Daddy dahil masyado daw confidential ang mga information inside this academy.

"Hahaha, I think no," ilang na tawa niya nang malamang konti lang ang nakakaalam.

"Bago ko simulan ang kwento, I will introduced my self first.... I'm Jhonny Bravo Mctal ang punong tagapagsalita. Nice to meet you all." pagpapakilala niya habang todo ngiti at isa-isa kaming tinitignan. Nang dumako ang tingin niya sa pwesto ko... kita ko sa mukha niya ang gulat. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero nang nahuli niyang nakatingin din ako sa kanya ay iniwas niya ang tingin niya.

Weird.

"Ang academy na 'to ay hindi tumatangggap ng estudyante every 2 years to ensure the safety of the academy and the students." maikling paliwanag niya na hindi malinaw sa akin. Walang nagsalita sa'min at nakinig lang kami sa kanya.

Hindi ko alam pero parang sa bawat bigkas niya sa salitang 'safety' ay kakaiba para bang may pilit siyang pinagtatakpan sa mga katagang 'yon.

Alam ko ang Academy na 'to. Walang word na safety dito because this school is not ordinary.

"This orientation is very important, dito niyo malalaman lahat ng katanungan niyo tungkol sa akademiya na pananatilihan niyo ng ilang buwan or taon. Ang Academy na 'to ay hindi kagaya nang inaakala niyo. Ang paaralang ito ay tapunan nang mga walang kwentang anak ng mga mayayaman na kagaya niyo." napataas ang kilay ko sa huling sinabi ni Johnny kita kong ganoon din ang iba. Nagsimulang umingay sa loob ng orientation room, samo't saring reaksyon ang namayani dahil sa katagang 'walang kwenta'.

Totoo naman ang sinabi ni Johnny na tapunan ito nang mga walang kwentang anak ng mga mayayamang; mga anak na hindi na nakayang disiplinahan, mga anak na barumbado at takaw gulo, mga anak na may bisyo at mga anak na kagaya ko na ginawang hamon ang pagpasok dito para matuto kung paano lumaban sa matalinong paraan at kung paano maging malakas sa physical na paraan. Alam kong hindi biro ang pinasok ko pero ito ang kagustuhan nang pamilya ko para sa kapakanan namin. Pinasok ko ang paaralan na ito para makalimot, mabago at mabuo muli.

KERES ACADEMYWo Geschichten leben. Entdecke jetzt