CHAPTER 26

1.2K 38 2
                                    

ZIZY POV

Napatulala ako ng mabasa ko ang huling text message ni Bellah. Hindi ko alam kung ako ba ang Zhionne na tinutukoy niya. Malakas ang kutob ko na ako 'yon dahil ako lang naman ang Zhionne na malapit kay Vynx. Pero ang pinagtataka ko ay sino si Zackire? Bakit gusto niya 'kong patayin?

"Zizy, are you okay?"

Sino rin si Bellah? Anong koneksiyon niya kay Zackire? Alam kong siya ang ex-girlfriend ni Vynx na nasa wallpaper nito pero paano niya 'ko nakilala? Bakit sa halos isang taon nilang hindi nagtetext ni Vynx ayon pa ang sinabi niya?

"Zizy!" Napalingon ako sa bakanteng upuan na katabi ko ng may naramdaman akong yumugyog sa akin. Nakita ko si Fritz na nakaupo dito habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin

"Huh?" lutang na tanong ko.

"Kanina pa kita tinatawag, ayos ka lang?" Inalis niya ang hawak niya sa braso ko. Pilit kong binalik ang sarili ko sa wisyo.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya. "Sorry, may iniisip lang."

"Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo eh." Nakita kong napatingin siya sa hawak kong cellphone ni Vynx na nakabukas kaya agad kong pinatay at tinago iyon sa gilid ko kasama ang headset. Sumandal siya sa bleacher at dumekwatro. "Mas lalo ka pa palang pumapangit kapag natutulala."

Napatingin ako sa kaniya at tinignan siya ng masama pero tinawanan niya lang ako.

Bwiset na lalaking 'to, ngayon na nga lang kami nag-usap. Aalaskahin pa 'ko! Saka, ba't ba siya nandito.

Inambahan ko siya ng kutos kaya napatigil siya sa pagtawa.

"I'm just kidding," napapakamot sa ulong wika niya. Binaba ko ang kamay ko sa pagkakaambang kutos sa kaniya na ikinangiti niya. Akala niya wala na 'kong gagawin sa kaniya pero agad kong pinitik ang noo niya. Napahawak siya dito at napaaray sa sakit.

"Biruin mo na ang lasing, 'wag lang ang babaeng malapit ng patayin!" inis kong singhal sa kaniya na ipinagtaka ng mukha niya.

"Sino ang babaeng malapit ng patayin?" parang batang tanong niya. Inalis niya ang pagkakahawak sa noo niya. Nakita ko ang pamumula no'n dahil sa lakas ng pagkakapitik ko.

Kalalaking tao, napaka-chismoso!

"Yung babaeng pusa malapit ng patayin!" pagdadahilan ko. Baka mamaya magtanong pa siya nang magtanong eh, kung ano pang malaman niya. Nakita kong nalungkot ang mukha niya at napapout.

"Kawawa naman yung pusa, nadamay pa." aniya sa malungkot na boses.

"Ewan ko sa'yo!" asar kong sigaw sa kaniya na ikinatawa niya.  Napacross arm ako at taas kilay na napatingin sa stage. Hindi ko na pinansin si Fritz sa tabi ko, sumasakit lang ang ulo ko sa sa kaniya. Pumunta lang dito para inisin ako, kaasar!

Tapos na ang laban ni Vynx at siya ang nanalo. Gusto ko sana siyang lapitan para tanungin kung sino si Zackire at kung ako ba ang tinutukoy ni Bellah sa text niya pero hindi ko magawa. Gulong-gulo ang isip ko sa mga katanungan na kailangan nang kasagutan pero alam kung hindi pa ito ang tamang oras at panahon para malaman 'yon. Siguro tatanungin ko na lang si Vynx kapag natapos na 'tong laban 'ko.

Arrgh! Bwiset kasi eh, bakit ba kasi nacurios ako sa text message na 'yon! Edi sana hindi ko nalaman ang mga 'to, edi sana hindi ako masiyadong nag-iisip ngayon. Pwede ko namang malaman iyon pero sana naman hindi ngayon na may laban ako.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Fritz sa tabi ko kaya napatingin ako sa kaniya. Isang masuyong ngiti ang binigay niya sa akin. "Wala bang goodluck diyan?"

KERES ACADEMYWhere stories live. Discover now