Chapter 14 : Team Work

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ahmmm guuuyysss" takot na takot na pagkakatawag saamin ni Dianne. Napatingin na lamang kami sa giliran nang ilog.

Omy...shomaiiii... Mga Batong Higante ba itong mga nakikita ko ah este namin. Mukhang ang himbing naman nang pagkakatulog.

"Huwag kayong gagawa nang anumang ingay na siyang ikagigising sa mga higante" saad ni Akiesha. Takot na takot man, pero kailangang tatagan ang loob para malampasan ang mga ito.

Susmeyo...ang dami naman nila.

Mukhang ang tanging naririnig na lamang namin ngayon ay ang aming hininga.

Wala na bang ibibilis itong bangka?...

Sa nilapit-lapit na namin sa paglampas sa mga higante, sumabay naman ang ingay na hindi lang higante ang magigising at mandidiri sa tunog at amoy noon.

"Pweee... bakit ba naman ngayon ka pa na utot Airone, kainis naman oh" pabulong na nitong si Kieth. Kaso nagising na yata ang isa sa mga higante.

*Roooooooaaarrrrrr....*

Nagsigising na ang iba pang mga kasamahan nito, at mukhang sasakmalin na kami nang buong-buo. Inihampas na nang isa sa kanila ang malaki nitong kamay, para makuha kami at hulihin.

Kaso nakagawa nang pananggalang si Vienna. At sa paghampas nito, nabasag na lamang nang ganoon ang pananggalang na gawa niya.

"Puttekkkk... ano nang gagawin natin nito. Mag-isip na kayo dali" nag-isip naman ako kaagad nang paraan. Kaso dahil narin sa takot at ninerbyos ako. Hindi ko magawang mag-isip nang tama.

Nagpakawala nang napakalakas na hangin si Airone dahilan upang maiangat ang tubig mula sa ilog na mala tsunami pero nakasteady lang ito kaso dahil din doon hindi na aarangkada pa itong bangka dahil sa nawalan na nang tubig.

"Ano na? Gawan niyo na nang paraan para makaalis na tayo rito, makakaabot ako nang haggard face ehhh..." habang kinokontrol parin niya ang napakalakas na hangin rito.

Sa kabilang banda naman, ang nga higante sa kabila ay ang nagwawala at gustong-gusto nang lumabas. At sa nangyayari ngayon nagawa pang maging mahangin nito si Airone.

"Ako nang bahala..." biglang sulpot na pagkakasabi ni Vienna. Naglabas naman siya nang tubig sa kaniyang dalawang magkabilaang kamay, at may kaunting tubig na lumalabas roon, at ngayon ang munting tubig na siya ring nakatutulong sa pag-arangkada nakin nang kahit kaunti. Mahina pero okey lang.

Kita ko naman ang pagod na pagod na mukha ni Airone at masasabi ko ring tumatagtak na ang mga butil nang pawis nito.

Kailangan ko nang gumawa nang paraan...

"Wala na bang ibibilis ito Vienna?" tanong nito ni Dianne. Hindi na lang ito pinansin at ikinonsentreyt na lamang ang sarili sa ginagawa.

"Siguro ang tanging paraan lang dito para makaalis tayo agad sa mga higante na iyon ay ang pakawalan ang hanging nakaharang sa tubig." napa-'ano'-look na lang ang iba.

"Baliw kana ba? Eh siguradong malulunod tayo sa gagawin nat-"

"Ako na ang gagawa nang kahoy na pananggalang na hindi basta-basta masisira" pagsabat nitong si Dianne.

"Okey na ba kayo sa mga plano niyo jan? Siguro tapos na naman na kayo kasi hirap na hirap na ako rito" pasigaw na tanong ni Airone. Makikita talaga sa kaniya na sumiseryoso na ang mukha na kanina lang ay chill lang.

"Oo na heto na nga ouhh. Kumapit kayo, at stay lang sa mga upuan medyo aalog ito at madilim ang loob." at kasabay noon ang pag-galaw nang kamay ni Dianne. At kasabay noon ang pag-alog nang bangka at dumidilim ang paligid sa pagkakapatong- patong nang mga kahoy na inilagay ni Dianne.

"Ngayon na" saad ko kay Airone. Naririnig na namin ngayon ang tunog nang tubig na pinakawalan ni Airone. At dahil doon, medyo nahilo kami sa loob dahil na rin sa dilim at paikot-ikot namin sa loob.

Mukhang nasusuka na ako nito...

Mga ilang minuto ang nakalipas, nakaramdam naman kami nang pagkatigil nang tubig na kanina ay inaalog kami sa loob. At dahil doon binuksan na ni Dianne ang pananggalang na ginawa niya. Napapikit na lamang kami sa liwanag na sumalubong saamin.

"Nice one mga guyss... mukhang pasok na tayo sa  pagigi-"

"Tumigil ka nga jan Akiesha, wala ka na ngang itinulong kanina saakin, kahit na alam mo naman na nahihirapan na ang bebelabs mo... hhmmpp" nagulat naman siya sa inasta ni Airone sa kaniya.

"Tss..." pasinghap nitong nasa tabi ko, kakambal lang naman ni Akiesha. Nandidiri siguro siya sa ka-kyutan nang dalawa.

Kaya napahagikgik na lamang kami sa tawa. Pero ang isa saamin mukhang hindi parin nagsasalita. Nagsasalita lang kung may problema na.

Haysttt...

○○○○○○○○○○

To Be Continued...

Princess Of Lightning [✅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon