I. ILOCOS

5 0 0
                                    

THIS STORY IS A 5 part story

READ TIL THE END TO KNOW THE REAL THING (TWIST)

LANGUAGES USED: TAGALOG / ENGLISH
SETTING : North&Central Luzon

OST IS AT THE END👇👇👇

KAHIT KUNWARE

******************

ROME

Sa roadtrip nato ako pinaka nainlove sakanya. Dagdagan pa yung tugtugan, yung tawanan yung walang humapay na harutan. Alam mo yung kahit  dito lang kami sa van niya nagstay e feeling ko nasa paraiso nako.

Sabayan mo pa ng makapigil hiningang view ng Bangui windmills. Yes we are in Ilocos Norte ang unang destination ng trip na to. Ang taas pala neto no? Sa mga picture kasing nakikita ko kala ko hindi ganito yung naiisip ko. Akalain mo yun. Napapaikot ng malakas na ihip ng hangin ang mala classroom sa laki na elesi nito. Sino kaya nakaisip neto no? Iba talaga nagagawa ng imagination. Sa paglalakad ko ramdam ko ang pagwisik sakin ng tubig mula sa dagat sa aking kaliwa mula sa hampas ng malalakas na alon. Na tila ba nagiging musika para sa ingay ng magulo kong isip.

Kagaya ng alon ay may panahon na kalmado ito pero madalas kagaya ng alon dito sa bangui, malakas at maingay. Pero sa sitwasyon na to iba ang dating ng ingay na to sakin. Sa paglalakad ko biigla akong napahinto sa harap ng isang windmill. Huminto, huminga inappreciate ang ganda ng paligid.

"Dati sa mga videos ko lang nakikita to ngayon nandito nako kasama pa yung taong mahal ko" i said in mind. Habang ako'y nagmumuni- muni ninanamnam ang bawat sigundong malaya ako. Ay biglang may yumakap sakin mula sa likod. Naramdaman ko ang kisig ng kanyang mga braso. Yung amoy niyang kilalang kilala ko na siya. Yung mga kamay niyang napakalaki pero walang kasing lambot.

"Sana wag na matapos to. Mahal na mahal kita boo" bulong ni Chard habang yakap niya ako ng mahigpit tila ba para akong batang inaalagaan niya na ayaw niyang mawala. Ramdam ko ang bawat tibok ng kanyang puso na tila ba pinapahiwatig sakin na ako'y sapat na at wala na siyang hahanapin pang iba. Nung narinig ko yung malalim niyang boses na medyo may pagpaos e mas tumindi pa ang pagmamahal ko sakanya.

"Ang sarap ng ganito no boo? Yung tayo lang dalawa. Parang satin lang ang mundo. Yung walang hinahabol na deadline. Yung walang nirurush na script para sa susunod na episode. Sana ganito nalang lagi. Yung nasosolo kita. Yung naisisigaw ko na AKIN LANG SIYA!!!! Ayoko na din matapos to boo" maluha luha with matching nginig kong sinabi kay Chard habang yakap yakap niya padin ako.

Sabay naming pinakinggan ang tunog ng tahimik na mundo. Sinulit ang tunog ng huni ng mga ibon, ang kaluskos ng alon at ang bumubulong na hangin. Yakap yakap niya padin ako. Inisip ko ang swerte ko sa taong to pangarap ko lang dati ngayon ginawa niyang totoo.

Dati iniimagine namin sa taas ng bubong na nagstastar gazing kami sa Baguio yung mararamdaman namin dalawa yung lamig na tanging ang aming mga katawan lamang ang nagpapanatili ng init pangontra sa lamig. Ang saya na namin nun kahit kunware lang. Kahit yung totoo kasama lang namin yung mga kuting nila Chard sa bubong ng bahay nila. Amoy ihi pa nga dun e. Di ako makapaniwala na magkakatotoo na ang lahat ng pagkukunware namin.

*phone rings*

"Hello...." sagot ni Chard

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sakin at unti unting dumistansya sa lugar na di masyado mahangin kasi sobrang lakas ng hangin dito sa tabing dagat. Sa sandaling yun ay mas lalo ko napagtanto na panandalian lang lahat ng to. Tong mala Romantic Movie naming Roadtrip.

Tinignan ko si Chard habang may kausap siya sa phone. At kahit hindi niya sabihin alam kong yari siya pagbalik namin sa realidad. Pero bat ganun di parin maalis sa mga ngiti niya yung saya na kasama niya ako. Yung mga labi niyang kasing pulo ng pulang cap na suot nya. Yung ngiti niya na sobrang nakakapang lumo. Sandali ay ako'y tumalikod.

"MAHAL NA MAHAL KITA RICHARD MEDINA. SOBRA! ALAM MO YUNG HINDI MABUBUO ANG ARAW KO PAG DI KITA MAKAKAUSAP. PATI YUNG PABANGO MONG MATAPANG PA KAY HITLER! GUSTONG GUSTO KO YUN. GUSTONG GUSTO KITA". Sinigaw ko sa  abot ng aking makakaya. Sinigaw ko sa mundong magulo na di mo alam kung maayos pa ba ito. Pero ang mahalaga lang sakin ngayon. Alam kong sakin lang tong taong sinisigaw ko.

Napatakbbo si Chard palapit sakin. Kahit hindi pa tapos ang pinaguusap nila sa phone ng kausap niya. Dali dali niya akong niyakap at binuhat paikot. Ang saya ng mga sandaling yun lunod na lunod kami sa pagmamahal naming dalawa.

Sa pagbaba niya sakin ay hinawakan niya ang aking mukha. Pinindot pindot amg medyo chubby kong pisngi. Di ko matago ang kilig ko. Buti nalang nasa ilalim kami ng sikat ng araw at hindi halata ang pagblush ko. Unti unti niya nilapit ang kanyang mukha kaya napaatras ako ng bahagya. Nakakatunaw ang kinang ng mga nangungusap niyang mata.

"Mahal na mahal din kita. At di ako magsasawang sabihin yun sayo hanggang sa tumanda tayo Rome, mahal? Boo? Mahal na mahal kita" malambing na sinabi ni Chard

Mas lalo akong nainlove sakanya dahil sa boses niyang napaka-musculine. Yung mala Enrique Gil na boses. Sino ba naman ang di mafafall diba?

Pagkatapos ay una hinalikan niya ang aking ilong hanggang sa umabot siya sa aking noo. Ang lambot mg mga labi niya. Kala mo unan na handang magbigay comfort sayo pagnalulumbay ka. Di namin alintana ang init na dala ng araw dahil mas mainit ang aming pagmamahalan. Corny diba pero yun ang Love e. Walang corny corny pagdating sa pagibig.

Patuloy ang aming paglalakad. At sa paglalakad namin ay may lumapit na bata samin.

"Kuya bili na po kayo ng bracelet sige na po para may benta po kami ngayong araw murang mura lang naman po ito. Sige na kuya." Panghihikayat ng bata Kay Chard

"Patingin nga ako...." tinignan ni Chard isa isa ang mga tinda ng bata. Sa pagtingin niya ay may isa na pumukaw ng attention ko. Yung bracelet na may nagiisang puting bilog sa gitna ng itim na bilog.

"Eto oh Chard Maganda to."

"Gusto mo ba yan? Ang simple lang niyan e."

"Yun nga yung nagpaspecial sakanya e. Tignan mo yung iba sa paligid niya sobrang takaw pansin kaya siya yung nangibabaw."

"Ahhhhh parang ikaw?" Sabay ngiti ni Chard sakin.

"Ayiieeeee Kiligz" gatong ng batang nagtitinda.

Natahimik ako at napangisi

"Sige na nga ayan nalang bilin namin yung isang puti lang at yung isang itim lang." Sabay abot sakin ni Chard ng bracelet. Nakakainis nga siya bat kailangan niya magpacute ng ganto habang iinaabot sakin ang bracelet.

"Salamat po kuya Godbless po." Tuwang tuwang umalis ang bata

Matapos ang eksenang yun ay pumunta na kami pabalik sa Van para ituloy na ang Roadtrip.

Saan naman kaya kami mapapadpad sa  paglalakbay nato? Basta ang alam ko lang masaya ako na kasama ko ang taong to. Ang Prinsipeng Masungit ng buhay ko.

END OF CHAPTER.

LIKE AND SHARE❤❤

OST : 👇👇👇👇👇👇👇

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kahit KunwareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon