Chapter 7: Challenge

1.4K 44 11
                                    

Chasing Embers 7

Challenge

"Ano ba talaga ang namamagitan sa inyo ni sir Jace, anak?" concerned na tanong ng kaniyang ina habang nagsusuklay siya ng buhok. Naghahanda siya sa pagpasok.



"Wala, Nay. Hindi ko type yung gunggong na yun," nakasimangot niyang sagot.



Nagdududa ang tingin ng kaniyang ina. "Napakagwapo at napakayaman ni Jace, anak," anito sa tonong tila pinapaalala sa kaniya.





Ngumuso siya. Hindi niya kailangan ng reminder dun. Sobrang obvious naman nun mula ulo hanggang paa ng lalaking 'yun.



"Ano naman, Nay? Hindi naman ako madaling masilaw sa yaman. At yung kagwapuhan niya, gulo lang dala nun. Si Tatay nga, diba nakapagwapo nun? Ano ba ginawa nun sa atin?" May gumuhit na sakit sa dibdib pagkalala sa ama na bata pa lang siya ay inabandona na siya upang magtungo ng Maynila at magpakasal sa ibang babae. Mas mayaman at mas nakaka-angat kaysa sa ina. Ang huli niyang alaala dito ay yung pinapalayas ito ng ina dahil umamin ito na may iba na. Mabilis na napalitan ng galit ang nasa dibdib niya.





Tila naramdaman naman iyon ng ina dahil kinuha nito ang suklay mula sa kaniya at ito na ang nagpatuloy ng kaniyang ginagawa. "Akin na nga yan. Baka maubos ang buhok mo sa ginagawa mo. Sinabi ko ng wag ng pag usapan ang tatay mo, lagi mo na lang inaalala." Masuyo ang tinig ng ina. Wala ng bahid ng galit. Marahil dahil mapagpatawad ito. Madaling makalimot. Ngunit hindi siya ganoon. Ayaw niyang kalimutan ang kahit anong bagay na nanakit sa kaniya. It will be a reminder to her para hindi na siya muling saktan ng taong iyon.





Nang matapos siya nitong suklayan ay nagtungo na siya sa kusina. Kinuha niya na ang binalot nitong baon niya. Daing, kanin at 2 buong kamatis. Mga paborito niya. "Salamat dito, Nay. Aalis na ako," paalam niya. Humalik siya dito.





"Mag-ingat ka." Gumanti ng beso ang ina saka hinatid na siya sa may pinto.







Naglakad na siya papuntang kanto kung saan alam niyang naghihintay si Carol. Laging maaga ang kaibigan. Siya tong laging late. Pero pagdating niya roon, imbes na ang kaibigan ay ang pamilyar na bulto ni Jace.





Napamura siya sa isip. Anak ng tokwa tong lalaking to. Parang linta ah.





Kumaway pa ito mula sa malayo. Kung umakto ay parang pinag-usapan nila ang pagkikitang iyon. "Antagal mo naman," anito ng makalapit na siya.





"Anong ginagawa mo dito?" sita niya.





"Aba, galit agad? Oy, ipaalala ko lang sayo, may atraso ka sa akin ah. Kaya wag ka mayabang ngayon." Pinagkrus pa nito ang mga kamay at tinaasan siya ng noo.





Syempre mas mataray siya. "So? Ikaw tong nauna. Pinagkalat mo na GF mo ako! Ankapal mo! Parang papatulan kita?!"





Tila nabigla ito sa sinabi niya. Mukhang ito ang unang beses na sinabihan ito ng ganoon. The guy is obviously not used to rejection. Hmp. Served him right. Nang mabawasan naman ang kapal ng mukha.





"S-So you don't want to be my girlfriend?" naa-amaze nitong tanong.





Pinandilatan niya to. Nagtanong pa! "Syempre hindi! Bakit ko naman gugustuhin 'yun?"





Lalo itong napantastikuhan. Mukhang maco-comatose na ito sa pagkabigla. Nakakatawa na. "B-But why...?"





"Because you're not my type. Period." Diretsahan niyang sagot.





Matagal itong natigilan. Pagkatapos tila ay nahulog sa malalim na pag-iisip. Pagkatapos ay biglang tumindig at hinawakan siya sa magkabilang braso. Naging alerto siya bigla. Wait, pwepwersahin ba siya nito?



"J-Jace?"



Tinitigan siya nito sa mga mata. Yung titig na tagos tagusan sa kaluluwa. "Okay. Ano ang dapat kong gawin para maging type mo ako?"





It was her turn to be confused. "B-Bakit mo tinatanong yan? G-gusto mo bang maging type kita?"



Tumango ito.





"B-But why???"





Nag-isip na naman ito saglit. And his answer disappointed her. Immensely.   "I don't know. A challenge to me, perhaps?"





Doon tuluyang nag-init ang ulo niya. Iwinaksi niya ang mga kamay nito at tinulak niya ito ng malakas. Napaatras ito ng labis. He looked shocked. She was furious.



"Ankapal talaga ng mukha mo, Jace. Ginawa mo pa akong challenge para sa sarili m



o! Animal ka talaga! Excuse me, hindi ako ganoon ka-cheap! Doon ka maghanap sa school. Puntahan mo si Danika! I'm sure sasama 'yun sa'yo sa batis!"







Instead na mainis sa mga sinasabi niya ay ngumiti lang to. Na nauwi sa tawa. Tila mas naaliw ito sa reaksyon niya. Lalo siyang nanggigil. Napakahayop talaga nito.





"You're really a challenge to me, Selena. A challenge that I will love to take."







Binuksan niya ang bag. Kinuha ang pinakamakapal na libro niya sa loob at ubod ng lakas na binato sa lalaki. Sa malas niya ay nakailag ito. "Hey, muntikan na ako d--"





Saka niya binato ang bag niya sa mukha nito. She has three thick books in there.





"Ouch!" hiyaw nito.







Doon biglang dumating si Carol. Nagulat sa nadatnang eksena. "A-ANong nangyayari dito, Selena?"

"Just teaching a jerk a lesson," aniya na sinipa pa si Jace sa tuhod. Napauklo ang lalaki at napahiyaw.







Kinuha niya ang kamay ni Carol at hinila ito palayo doon. Nilagpasan niya lang si Jace na namimilipit sa sakit.







"You'll pay for this, Selena. Andami mo ng atraso sa akin," he said in a pained voice.





Nginitian niya lang ito ng nakakainis saka tumakbo palayo kasama si Carol. Habang palayo ay iisa lang ang nasa isip niya:





She was determined not to be like her mother. She won't fall for Jace. He will never win his challenge to himself. Hindi lahat ng gusto nito ay makukuha nito. 

****

Hi Reader! Expect to get more updates in the future. I appreciate you reading this. Please feel free to provide SUGGESTIONS ng magiging takbo ng story in the future. Or just drop a hi or hello. :)

Until the next update. :)

What do you think of this chapter?

 Please add/follow my Facebook account for updates on new chapters:

https://www.facebook.com/aji.lyndonwp.3

Here's the link for my Wattpad profile. Please feel free to follow for more stories in the future:

https://www.wattpad.com/user/AjiLyndon

Thank you! <3 

Chasing Embers [SPG/R18] (Wattys2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon