Chapter 4: Prince

5.7K 125 11
                                    

Chapter 4

Prince




"Akala ko naman male-late ka today. Bakit ngayon ka lang?" usisa kay Selena ng matalik niyang kaibigan na si Carol nang dumating siya sa tambayan nila sa San Luisito University. Isa iyong batibot na may puno ng acacia.






Parehong Education ang kinukuha nilang kurso ni Carol. Siya ay dahil ang lola niya ay isang teacher noong kapanahunan nito at si Carol naman ay dahil gusto siya nitong kasama sa kolehiyo, magkasama na kasi sila mula pa elementarya at wala namang ibang tinuturing na kaibigan si Carol maliban sa kaniya. May kaya ang pamilya ni Carol. Maaari na nga itong hindi magtrabaho dahil ang kuya nito ay nagse-seaman at malaki ang kinikita. Marami na ang mga itong naipundar sa Maynila. Sadyang gusto lang talagang doon sa lugar nila manirahan—na hindi maunawaan ni Selena.





Siya naman kasi ay atat na atat makaalis roon at ma-explore ang malawak na mundo lampas ng kanilang mga bundok at bukirin.










Actually, 30 minutes pa bago ang unang klase nila ni Carol. Pero nasanay ito na siya ang laging nauunang dumating doon sa  tambayan nila kaya hindi nakapagtataka na manibago ito at isiping hindi siya makakapasok ng tama sa oras.





"Napuyat lang kagabi," sagot niya sa malamyang tinig. Katunayan niyon ang eyebag sa kaniyang mga mata.




"Tumulong ka nga pala sa Nanay mo sa Hacienda Montereal," hula ni Carol. Magka-text sila kahapon dahil nagtatanong ito ng assignment.




"Hmmm." Ang sagot niya na lang na maaring i-interpret na pag-sang-ayon at maari ding pagtanggi. Ang totoo naman kasi niyan, maaga naman siyang nakauwi. Lalo pa't hinatid siya ni Jace kahapon. Tumupad ito sa pangako nitong diretso sila ng bahay at umalis din agad nang makababa siya.








Ang talagang nagpapuyat sa kaniya ay ang kakaisip dito. For some reason, hindi ito maalis-alis sa isip niya. Nahiga siya sa kama na na dama-dama pa sa mga palad ang abs nito. Nang yakapin niya nga ang unan niya ay hindi siya nahirapang imaginen na iyon ang katawan nito. Hindi niya na alam kung anong oras siya nakatulog. Pero ang natitiyak niya ay ito ang nasa isip niya.





"Sino  ba 'yun?" bigla ay wika ni Carol na nagkandahaba ang leeg sa pagtanaw ng kung ano sa malayo kung saan kitang-kita ang pagkakagulo ang mga tao. Nagtakbuhan ang ilan upang  makiosyoso. Si Carol naman ay hindi napigilan ang kuryusidad at nagpaalam na titingnan kung ano ang meron doon. Hindi naman siya nainip dahil ilang sandali lang ay tumatakbo na muli pabalik ang kaibigan. "Tara, Selena!" anito na kinuha ang braso niya at pilit itinayo mula sa batibot.









"Teka, Carol, ang gamit ko!" Dinampot niya ang bag at mga libro bago siya nagpadala sa kaibigan. "Saan ba tayo pupunta?" nagtataka niyang usisa.




"Makikita mo!" excited nitong sabi na patuloy sa pagkaladkad sa kaniya sa may gate kung saan mayroong nakaparadang sports car  na kulay nagsusumigaw na pula. Bagsak ang mga panga ng mga usiserong ka-eskwela niya at tila chorus kung mag-wow sa paghanga sa sasakyan. Dama niya rin ang panibugho at antipasyon mula sa mga ito para sa may-ari niyon. Kanino nga ba? Sa Dean ng esculehan o sa isang bisita?








Hindi rin niya masisi ang mga ito dahil sa pelikula at koreanovela lang naman sila nakakakita ng ganoong tipo ng sasakyan. At tulad ng lahat ay pigil-pigil niya ang kaniyang hininga sa antipasyon nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Upang bumilis lang ang tibok ng puso niya nang tuluyang lumabas ang may-ari at makita ang pamilyar nitong bulto.









Chasing Embers [SPG/R18] (Wattys2020)Where stories live. Discover now