Chapter 1: Selena

17.8K 207 25
                                    

Chapter 1

Selena

"Lola, alis na po ako!" sigaw ni Selena sa lola niya habang palabas ng simple nilang tahanan. Hindi na siya naghintay pa ng tugon mula dito. Matanda na ito at may kahirapan na rin sa pandinig, natitiyak niyang hindi rin naman siya nito narinig.



Sa kanto ay nakasalubong niya si Manong Gary na nagtatricycle. Binati niya ito.




"Magandang tanghali, Selena, sa mansion ba ang punta mo nyan?" tanong nito.



Tumango siya. "Oho. Nadumihan daw ang damit ni Nanay habang nagluluto. Kailangan ng kapalit lalo pa't ngayon daw ang uwi ng panganay ng mga Montereal. Kailangan daw ay presentable siya."





"Tamang-tama, doon din ang punta ko."





"Ano ho ba 'yang mga dala niyo?" aniya na sinilip ang loob ng tricycle. Puno iyon ng mga sako.




"Mga pang-siga para sa handaan. Sakay na, Selena."





"Salamat po!" masayang sumakay siya sa likod ng matanda.




"Mukhang excited kang makita ang nanay mo ngayon, Selena," puna nito.



Tumawa lang siya. Ang totoo ay may binabalak siyang gawin sa mansion pagdating doon. Magiging abala ang lahat sa pagdating ng anak ni Donya Lucinda na si Jace kaya't hindi ng mga ito mapapansin kung sandali niyang hihiramin ang isa sa mga kabayo sa kwadra ng mga ito.





Magaganda ang mga kabayo sa Hacienda Montereal. Mga thoroughbred at galing pa sa ibang bansa. bata pa lang siya ay hilig niya na ang sumakay ng kabayo. Ang tagapangalaga ng mga kabayo sa Hacienda na Manong Simon ay manliligaw ng kaniyang ina kaya't nakakahiram siya ng palihim anumang oras.
Pagdating sa Hacienda ay tinakbo niya agad ang kusina kung saan nagtatrabaho ang nanay niya, humalik siya dito nang makita ito. "Nay, ito na 'yung pamalit mo."





Sinilip nito ang dinala niya at natuwa naman. "Aba, ito yung paborito kong damit. Salamat, anak." Actually, kaya yun ang paboritong bestida ng nanay niya ay dahil iyon lang ang pinaka-maayos sa lahat. Lahat kasi ay napaglumaan na. Hinihimok niya itong lagi na bumili ng bago kahit isa lang, pero tumatanggi ang nanay niya. Sayang daw. Ilalagay niya na lang daw sa ipon nito.





Naawa siya sa ina. Ito lang kasi ang tumataguyod sa kanilang pamilya. Eighteen pa lang siya. Nangako siya sa sarili niya na pagkatapos niyang mag-aral ay magsusumikap siyang makahanap ng trabaho na magpapayaman sa kanila. Hindi na kakailanganin pa ng nanay niya na magtrabaho. Tapos bibilhan niya ito ng napakaraming magaganda at mamahaling bestida!





'Tapos, magsisi ang tatay ko na iniwan niya kami nila, Nanay!,' dagdag niya sa isip niya, puno ng galit sa dibdib para sa walang kwentang ama na hindi niya na alam kung nasaan ngayon.

"Nay, alis na ako!" aniya na humalik na dito.




"Iistorbohin mo na naman si Simon, Selena! Huwag muna ngayon. Baka makita ka ni Sir Jace. Magagalit iyon kapag nakitang sakay ka ng kabayo niya."




Ngumuso siya. Hindi niya pa niya nakikilala ang binatang Montereal. Sa Amerika at sa Maynila kasi ito nakatira. Iyon ang unang beses na dumayo ito doon. Ang usap-usapan ng mga chismosa sa kusina ay may ginawa daw kalokohan sa Maynila at nagpapalamig muna dito sa San Luisito. Wala siyang pakialam kung ano ang kalokohang iyon pero hindi pa man niya ito nakakatagpo ay naiinis na siya rito. Madamot pala ito.
Malungkot at naiinis na naglakad na pauwi si Selena.





Chasing Embers [SPG/R18] (Wattys2020)Where stories live. Discover now