Medyo na tense ako sa sinabi ni mama at pinagpawisan ng malamig bigla.



"Naku ma, itong si Elena pinagkakalandakan na gusto niya talaga si Belle,Puro bukam-bibig niya si Belle sa mga interview sakanya eh,kahit sa mga social media niya" said ate Joy  at nilagay muna sa gilid niya ang phone at tinuloy ulit ang ginagawa kanina.



"Mabait naman po yang si Elena ma,alam nyo naman syempre celebrity, kailangan nila lagi ng publicity, para mapag-usapan lang e diyan sila kumikita eh." I said and pailing-iling nalang.



"E bat naman yang si Natasha anak? Sikat na sikat parin, kahit hindi naman gumagawa ng mapaguusapan." Sabi ni mama.



"Ma, iba-iba naman po kasi sila,kung san nila feel para kumita,  trabaho nila yan eh!atsaka iba naman po kasi si Natasha ma." I smiled awkwardly.



"Alam mo anak, wala naman kaming problema kung sino pa sa tingin mo ang pwede mong kaibiganin at hindi, ang amin lang nasa tamang edad kana rin, at alam mo na ang tama sa mali, at ang gusto lang namin ng mama mo, sa inyo ng mga kapatid mo e magkaroon kayo ng normal at tahimik na pamumuhay, magkaroon ng tahimik na pamilya,kung kami lang Belle, ok na kami ng mama mo,Sobrang laki na ng naitulong mo samin, simula ng isakripisyo mo ang sarili mo sa trabahong pinasok mo." Bumuntong-hininga muna si papa bago ulit nagsalita "kung ako lang sana anak, gusto ko ng tumigil ka na diyan sa pinili mong propesyon, masyadong magulo at nawawala ang pagkabribado ng buhay mo., saka andaming hindi magandang ehemplo na pupwede mong makuha sakanila, ang gusto namin ng mama mo na,isipin mo na rin ang sarili mo, alam mo sa totoo lang, mas mapapanatag kAmi ng mama mo kung kayo ni Ben ang magkakatuluyan,Kasi alam ko na hinding-hindi ka sasaktan ni Ben at alam ko na hinding-hindi ka niya pababayaan." Said papa saka tumapik sa balikat ni Ben.



Muntikan pang masamid si Ben sa narinig niya kay Papa.. at biglang namula ang mukha.



"Naku tito, huwag nalang po siguro natin i pressure si Belle, hayaan nalang po natin siyang mag decide, pero sa totoo lang po tito, kung ako po talaga yung papalarin sa puso ulit ni Belle, ay hindi napo ako magsasayang ng panahon." Ben smile na litaw tuloy dimples niya at biglang parang kumislap ang mga mata niya..



"Oo nga naman anak, sang-ayon ako sa papa mo, lalo na at kasabay ko rin nakita sa paglaki ang batang to, napaka marespeto at maaasahan sa pamilya, at isa pa alam kong kayang-kaya ka niyang buhayin." Sagot din ni mama.


"Ma, wag na nga muna po natin pagusapan yan."i said na medyo nairita na pero nagpakakalma parin. "Bakit ba kasi napunta dito ang usapan eh" binulong ko na sa sarili ko ang huli kong sinabi.



"Anak, matanda nakami ng mama mo,ang tanging pangarap lang namin ay makita pa kayo ng may masayang pamilya,yung makita pa namin ang magiging apo namin sayo at sa dalawa mo pang kapatid." Sabi pa ni Papa.



"E pano po pala kung kami po ni Elena nagkatuluyan?" I asked jokingly,natahimik lahat sila and tiningnan ako ng parang nakakita naman ng multo.. "uiii! Joke lang po" i said and nag smile ako ng alanganin.



"Anak naman huwag ka naman magbibiro ng ganyan,aatakihin kami sa puso ng papa mo sayo eh!" Hawak-hawak ni mama ang dibdib niya,Sabay tawa nila ng alanganin, at ako naman nakitawa lang pero sa totoo lang sa loob-loob ko, bigla akong nakaramdam ng kaba at takot,



"Ma,ang ibig ko lang po sabihin, wala naman pong pinipili ang pag-ibig diba? Kapag umibig ka kahit ano pa siya, wala ka ng magagawa.."i sigh "bat naman po yang si ate Fel at ate Nika, ginusto po ba nilang maging ganun sila? Tingnan mo ang tagal na nilang nagsasama at napaka successful naman nila sa America kahit parehas silang babae." I said,kahit halos sapuin na ng mga kamay ko ang puso ko sa tension na nararamdaman ko.



To love a star  Where stories live. Discover now