Ang sabi ni Jaja, "marupok" ang tawag sa akin. That was coming from a girl na nag-asawa nang maaga. Jaja got pregnant at eighteen and got married early. Nine years old na ang anak niya ngayon. First and last boyfriend niya si Jed kaya hindi pa niya naranasang maging brokenhearted. Kaya wala siyang experience sa kung paano mag-move on at magmahal muli.
"Zoey," untag sa akin ni Jaja. "Hoy, bes." Niyugyog niya ang balikat ko kaya tumingin ako sa kanya.
"You've been here before," patuloy ng best friend ko. "Ilang beses na. Kaya kayang-kaya mo 'yan."
Matalim ang tingin na ibinigay ko kay Jaja. Noong unang dalawang beses na na-brokenheart ako, nakikiyak din siya sa akin dahil damang-dama niya ang pain ko. Sa pangatlo, hindi na siya umiyak pero nakisimpatya pa rin. Pero ngayon, nagawa pa niyang mag-online shopping habang umiiyak ako. Like it was a normal phenomenon na lang. Baka sa susunod, ipagkibit-balikat na lang niya ang nangyari sa akin.
"Galit ka, bes?" tanong ni Jaja na mukhang na-guilty na.
"Tse!" singhal ko sa kanya.
Niyakap niya ako. "Sorry na, bes. Kasi naman, alam ko namang kayang-kaya mo 'yan kaya hindi na ako sobrang nag-aalala para sa 'yo. Saka hindi naman masyadong kawalan 'yong si Wendell. To be honest, I didn't really like him for you. I'm sure makakahanap ka pa ng mas okay kaysa sa kanya."
"That's not the point, Ja. Naka-apat na boyfriend na 'ko."
Bumitiw sa akin si Jaja. "Pero 'yong una, puppy love lang 'yon."
"Lahat ng relationships ko, hindi nag-work out."
"Pero 'yong kay Justin, 'wag mo nang isama sa bilang kasi nagkapikunan lang kayo sa anime, nag-break na agad kayo."
Hindi ko inintindi ang sinasabi ni Jaja. "Bes, ano bang mali sa 'kin? Bakit laging nauuwi sa ganito?"
"Wala! Walang mali sa 'yo. Sila ang mali para sa 'yo, okay?"
"You think so?"
Hinagod ni Jaja ang buhok ko at ikinipit ang ilang strands sa likod ng tainga ko. "You'd been a wonderful girlfriend. Maganda, cup C, charming personality, madiskarte, malambing, mapagmahal at medyo smart."
"Medyo lang talaga?"
"Ayaw ng mga lalaki ng masyadong matalinong babae kasi nai-intimidate sila at saka boring 'yong mga ganoon kaya perfect ka talaga. Ikaw ang ideal girl ng lahat. Kaya nga hindi ka nababakante, eh. Palaging may nakaabang o dumadating kapag nawawalan ka ng love life. Kasi in demand ang kalibre mo."
"Talaga ba, bes?"
Tumango nang may assurance si Jaja. "Oo, bes. Kaya wala sa 'yo ang problema, okay?" Humugot siya ng tissues at siya na mismo ang nagdampi niyon sa mga pisngi kong basa sa luha. "Hindi lang talaga sila 'yong para sa 'yo. Hindi mo pa lang talaga nakikita si Mr. Right. Pero darating din siya, okay?"
"Pero twenty-eight na 'ko, Ja. Tumatanda na 'ko. Bakit ang tagal-tagal namang dumating ng Mr. Right ko? Bakit 'yong sa 'yo, ang bilis?"
"Sa sobrang bilis nga, hindi ko na na-enjoy ang youth ko." Bumuntonghininga si Jaja. "Although hindi naman ako nagsisisi na dumating sa buhay ko si Jep-jep pero puwede namang medyo na-delay na lang sana siya nang dating 'di ba? Iyon ang catch, bes. Ang dami kong hindi naranasan dahil sobrang agang dumating ni Mr. Right. Ikaw naman, dahil matagal dumating, marami ka munang makikilalang Mr. Wrong along the way. Would you rather switch fates with me?"
Marahas ang ginawa kong pag-iling. "'Di ko type si Jed."
Itinulak ni Jaja ang ulo ko. "Gaga. Hindi partner, fate lang."
Saksi ako sa hirap na dinanas ni Jaja noong nabuntis siya nang maaga. Sobrang disappointed sa kanya ang parents niya. Hindi siya kinausap ng daddy niya nang seven months. Ang mommy niya, na-depress dahil sa kanya. Nag-iisa lang kasi siyang anak at may pangarap para sa kanya ang mga magulang pero ganoon ang kinahinatnan niya.
Hindi kami sabay gr-um-aduate ni Jaja dahil nag-skip siya ng three years. Ayaw kasi niyang iwan ang pag-aalaga sa anak. Nakatapos naman siya ng college at sa ngayon ay siya ang nagma-manage ng coffee shop business nila ni Jed na mayroon nang tatlong branches. Maayos na ang buhay ni Jaja ngayon pero alam kong may regrets pa rin siya.
"Wendell is just another Mr. Wrong. You're going to meet your Mr. Right soon. Malay mo, 'yong next mo, siya na."
Ako naman ang yumakap kay Jaja. Gumanti siya ng yakap. Masakit pa rin sa akin ang nangyari sa amin ni Wendell pero iyong thought na isa lang siyang Mr. Wrong na dumaan lang sa buhay ko, medyo nabawasan ang sakit sa dibdib ko.
"Ja, dito ka muna matulog ngayon. I need you. Kailangan ko ng kasama."
"Alam mong hindi puwede. Paano 'yong anak ko? Baby pa rin 'yon kahit na hanggang kili-kili ko na."
"Dalhin mo na lang dito si Jep-jep."
"Tapos, ano? Maririnig niya 'yong mga atungal at pagmumura mo sa ex mo?"
Sumibi ako. "Ayokong mag-isa..."
"Tawagan mo si Lottie," tukoy niya sa younger sister ko. "Sabihin mo, samahan ka muna uli."
Noong nag-break kami ni Erick, pinatira ko muna sa condo unit ko ang kapatid ko dahil ayokong mag-isa. Pero noong time na iyon ay single si Lottie. Ngayon ay may boyfriend na ito.
Umiling ako. "Ayoko. Kasi kapag pinatira ko rito 'yon, pupunta rin dito 'yong dyowa niya. Tatambay dito o susunduin siya, maiirita lang ako. Ayokong makita silang naglalampungan at baka maingudngod ko sila sa isa't-isa ganitong brokenhearted ako."
Umigtad si Jaja nang marinig ang pagtunog ng cellphone. Mukhang alarm clock.
"Bes, kailangan ko nang umalis," paalam niya. "Patapos na 'yong klase ni Jep-jep. Kailangan ko na siyang sunduin. Bukas na lang, labas tayo."
Tumango na lang ako. Alam ko namang pamilyadong tao na si Jaja at may mga responsibilidad siyang hindi puwedeng iwan nang dahil lang sa akin. Simula noong nabuntis siya, alam kong hindi na magiging tulad ng dati ang lahat na halos siya lang ang kasama at karamay ko sa lahat ng oras.
Pagkatapos magbilin ni Jaja ay nagpaalam na siya. Nang marinig ko ang pagsara niya ng pinto ay muling binalot ng matinding lungkot ang dibdib ko. Itinaas ko ang mga paa sa couch at niyakap ang mga binti.
I was all alone. I was alone again.
YOU ARE READING
Status: Single (But Not For Too Long)
ChickLitNOW AVAILABLE! VISIT MY FACEBOOK PAGE HTTPS://FACEBOOK.COM/HEARTYNGRID TO ORDER! A story of a serial monogamist and her journey to finding the one who would break the chain.
Part 1
Start from the beginning
