“Ahh. Diba ang hypotenuse ang pinakamalaking side habang ang adjacent naman yung bottom side ng Right Triangle tapos yung Opposite yung kabilang side ng Hypotenuse.” sabi ni Danny.





“Tama ka dun! Oh alam mo naman pala eh!”



“So ang CAH-TOA ay Cos=Adjacent over Hypotenuse at ang TOA ay Tangent=Opposite over Adjacent?” pagka-clarify ni Danny.





“That's right DanDan! At ang Secant ay kabaliktaran ng Sin, Cosecant ay Cos at Cotangent sa Tangent.”




“So ang formula ng Secant ay hypotenuse over opposite since yung ang kabaliktaran ng formula for the sine?”





“Yep! So dito na tayo sa Formula for the Missing Parts of Right Triangle using the SOH-CAH-TOA.” sabi ni Lucas.





“Oh Kids, Magmerienda muna kayo.” sabi ng Mom ni Danny at nilagay ang tray ng pagkain sa lamesa.






“Ah Salamat po Tita.”






“Ano ka ba wala yun Lucas! Buti nga tinuturuan mo pa yang anak ko sa mga ganyan! Ang ganda ng impluwensiya mo sa daughter ko Lucas at botong-boto ako sayo.” nakangiting sabi ng Mom ni Danny.






“Okay lang po yun Tita.”





“Just Call me Mom, Lucas.”





“Ma?! Anong Mom!” gulat na sabi ni Danny. Ayan tuloy namumula na siya.






“Ano naman sayo? Hindi pa maganda yun at natuturuan ka ng soon to be boyfriend mo ng Math?”




“Ma!” iritang sabi ni Danny.





“Sige na po Tita ay Mommy na pala.” sabi ni Lucas sabay kamot sa batok. Sa totoo lang, Inaasar niya lang talaga si Daniella!




“Ay sige, Maiwan ko na kayo.” sabi ng Mom ni Danny at lumabas na ng pinto.







“Oh next naman natin ay kung paano ba ipindot sa calculator ang mga yan para makuha mo ang missing sides or angle.”





“Teka, Lucas! Hindi ko maabsorb! Kasi naman eh! Tinotorture mo ko!” reklamo ni Danny at mangiyak-ngiyak na ang mga mata.








“Eh Danny, Umpisa pa lang tayo. Ano,  pahinga ka ba  muna?” mahinahong sabi ni Lucas.





Pumunta si Lucas sa likod ni Danny at tinali ng papony tail ang buhok ni Daniella. Aww! Sweet ni Lucas, sarap ipatapon sa Mars!






“Oh para di makasagabal sayo.” sabi ni Lucas kay Daniella. Habang nakaluhod si Lucas sa likod niya ay niyakap siya ni Danny paharap ng mahigpit.






“Danny. .”






“Lucas, Di ko na kaya! Ang hirap eh. Hindi naman ako ka-genius gaya mo.” humihikbing sabi ni Daniella. Hinaplos naman ni Lucas ang buhok niya.







“Danny, umpisa palang to. Oh sige na, gagawan nalang kita ng reviewers para mas madali mong maunawaan?”





“Talaga?” sabi ni Danny at kumalas sa pagkakayakap kay Lucas. Pinunasan naman ni Lucas ang mga luha niya at di na niya mapigil ang pagtawa.





“Tawa ka jan!” iritang sabi ni Danny at binalik ang pansin sa mini table.






“Eh kasi naman eh, Ang cute mo. Iniiyakan mo yung Math!” pang-aasar ni Lucas.





Love, D #1: Love DannyWhere stories live. Discover now